• April 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MAJA, umaming dahil sa pamilya kaya tinanggap ang offer ng TV5

NAGING honest si Maja Salvador sa naging deciding factor niya nang tanggapin niya ang offer ng TV5 at Brightlight Productions na lumipat mula sa pagiging Kapamilya star.

 

Kasama sina Donny Pangilinan, Catriona Gray, Jake Ejercito at Piolo Pascual, sila ang mga host ng bagong ilulunsad na Sunday noontime show ng network, ang SNL o Sunday Noontime Live.

 

Hindi naman itinanggi ni Maja na nang maglambing sa kanya ang kanyang tatay-tatayan na si Mr. Johnny Manahan na samahan ito, hindi raw talaga siya makahihindi. At very grateful din daw siya sa talagang sumusugal nga sa Brighlight Productions, ang producer nito na si Congressman Albee Benitez.

 

Bukod pa rito, sabi nga ni Maja, ngayong panahon ng pandemya, kailangan din naman niya na makapagbigay ng suporta sa kanyang pamilya.

 

“Ang masasabi ko lang, I’m very grateful and thankful kay Mr. M for trusting in me. Regret? Siguro magkakaroon po ako ng regret kung sarili ko lang ang inisip ko. Isang malaking bagay po na nagpa-oo sa akin ay yung makakatulong ako sa aking pamilya.”

 

At very grateful daw siya sa ASAP dahil dito siya nakilala lalo na sa husay niya sa dance floor.

 

“Hindi po ako makikilala sa pagsasayaw kung hindi dahil sa ASAP. For 17 years, wala akong ibang ginawa every Sunday kung hindi ang sumayaw nang sumayaw.

 

“Forever grateful po ako sa inyo at since ang aking Tatay, si Mr. M ay naglambing, kailangan ko po siyang samahan. Parang hindi po ako makatanggi kay Mr. M, lalo na via Zoom, sinabi niya, ‘Maja, kailangan kita.’ How can I say no to him? Of course, my ASAP family, my bosses in ABS-CBN, naiintindihan nila lahat. Hindi naman po ako lalabas dito, tanggapin ang show na ‘to kung hindi maayos po yung pag-uusap ng lahat.

 

“Parang at the end of the day, ramdam ko na pamilya talaga kami. Ang pamilya ay iniintindi ang bawat isa at pangangailangan ng bawat isa.”

 

At simula nga ngayong Linggo, mula 12:00NN-2:00PM ay sa TV5 na siya mapapanood via Sunday Noontime Live. May catch-up airing at 8:00PM sa Colours Channel 202 HD at Channel 60 SD on Cignal TV. (ROSE GARCIA)

Other News
  • Paat, Dindin bida sa Nakhon Ratchasima

    MAGARBONG  tinapos ng Nakhon Ratchasima ang eliminasyon matapos ilampaso ang Khonkaen Star, 25-23, 25-17, 25-18, sa 2021-22 Thailand Volleyball League kahapon sa Nimibutr Stadium sa Bangkok, Thailand.     Muling umariba sina national mainstays Dindin Santiago-Manabat at Mylene Paat upang pamunuan ang Nakhon Ratchasima sa panalo.     Nagpakawala sina Santiago-Manabat at Paat ng kaliwa’t […]

  • BSP, nag-award ng P5-B kontrata para sa bagong polymer banknotes — COA

    NAG-AWARD ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng mga kontrata na nagkakahalaga ng halos P5 bilyon para sa bagong polymer o plastic banknotes. Nakasaad sa annual report ng Commission on Audit (COA) na inaprubahan ng BSP ang limang supply contracts na nagkakahalaga ng P4.9 billion para sa bagong P50, P100, P500, at P1,000 banknotes. Ang […]

  • World Bank, inaprubahan ang $600-M loan para suportahan ang mga magsasaka at mangingisda sa Pinas

    INAPRUBAHAN ng World Bank (WB)  ang  $600 million (₱33.2 bilyong piso) loan  nakatuon tungo sa pagtaas  ng market access at income  para sa  mahigit sa half a million na mangingisdang Filipino.     Almost 60% of the poor work in agriculture in the Philippines, so accelerating the growth of agriculture and fishery is vital for […]