• May 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Makakasama sina Gabbi, Sanya at Kylie: SUNSHINE, balik-Kapuso na after ng isang project sa Kapamilya network

MATAPOS ipaghanda at imbitahan ni Bea Alonzo sa isang merienda-dinner para sa kanilang Aeta neighbors sa Beati Farm sa Iba, Zambales, pinaratangan pa siya ng isang netizen na may Twitter account na @ALOyoutoo.

 

 

Inagaw raw niya ang lupa na pag-aari ng mga katutubo at tweet nito, “That’s nice, now how about giving their land back?ĺ

 

 

Kaya naglabas ng official statement ang legal counsel ni Bea na si Atty. Joey V. Garcia ng GERA law office upang pabulaanan ang ikinakalat na paninira: “For the record, our client vehemently opposes that baseless and very unfair accusation.  She and her family are the absolute and registered owners of the parcels of land in Zambales, acquired through legal and valid means.

 

 

“Let this message serve as a stern and final warning to that fellow who made the disparaging remarks against Ms. Bea Alonzo on social media to retract his/her unfounded accusations and to cease from further making defamatory statements that bring disrepute to our client.  Otherwise, we shall be constrained to initiate all the appropriate legal actions against him/her in no time.”

 

 

Handa rin si Atty. Garcia na sagutin ang lahat ng mga katanungan tungkol sa mali at mabigat na akusasyon laban kay Bea, at magsampa ng kaukulang reklamo kapag hindi binawi ng taong nag-umpisa ng paninira na ikinalat niya sa social media.

 

 

***

 

SUPORTADO pala ng Games and Amusements Board (GAB), ang nalalapit na first esports tournament ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards.

 

 

Matapos makabalik si Alden sa 10-day Japan vacation niya with his family, dumalaw siya sa opisina ng GAB at na-meet niya ang newly-appointed GAB Chairman, si Atty. Richard Clarin.

 

 

Post ng GAB: “Myriad Entertainment Corporation, an Esports company owned by Mr. Richard Faulkerson, Jr., will have its first professional esports tournament on January 28, 2023, at the Ynares Sports Arena, Pasig City.  Esport is one of the professional sports under the supervision and regulation of the Games and Amusements Board (GAB).  The GAB gives its full support of the Philippine esports community, under the leadership of newly-appointed Chairman Atty. Richard Clarin.”

 

 

After the esports tournament, haharapin naman ni Alden and mga bagong projects na gagawin niya for GMA Network.  Abangan din ang special interview ni Paolo Contis kay Alden para sa kanyang YouTube channel.

 

 

***

 

TIYAK na ikatutuwa ng mga fans ni Sunshine Dizon na balik-GMA Network na muli ang actress, pagkatapos ng first project niya sa Kapamilya network.

 

 

Kasama si Sunshine sa bagong GMA Primetime series na “Mga Lihim ni Urduja,” na pagbibidahan nina Gabbi Garcia, Sanya Lopez at Kylie Padilla.  Special participation ang character na gagampanan ng actress.  Matatandaan na magkakasama silang apat noon sa “Encantadia “ series, with Glaiza de Castro.

 

 

Ang “Mga Lihim ni Urduja” ay patuloy pang nagti-taping ngayon, pero sila raw ang ipapalit sa “Maria Clara at Ibarra” nina Barbie Forteza, Julie Anne San Jose at Dennis Trillo na magtatapos na this February, 2023.

 

 

Napapanood ang serye gabi-gabi sa GMA-7, at 8PM, after ng “24 Oras.”

 

 

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Ivermectin, hindi napatunayang may naibibigay na benepisyo para makagamot ng COVID-19

    INIHINTO na ang pag- aaral tungkol sa Ivermectin na una ng sinabing nagsisilbing gamot sa COVID-19.     Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni National Task Force against COVID 19 Medical Adviser Dr Ted Herbosa na napatunayan na kasi sa mga pag- aaral na walang epekto ang naturang gamot sa COVID 19.     […]

  • Pagkatapos ng pakikipaglaban sa breast cancer: Hollywood actress na si SHANNEN DOHERTY, pumanaw sa edad na 53

    PUMANAW sa edad na 53 ang Hollywood actress na si Shannen Doherty na kilala bilang si Brenda Walsh sa ‘90s drama series na ‘Beverly Hills 90210’ at bilang si Prue Halliwell sa ‘90s fantasy-comedy series na ‘Charmed’.   July 13 noong pumanaw ang aktres pagkatapos ang kanyang pakikipaglaban sa sakit na breast cancer since 2015. […]

  • Mayor Wes, Senator Win, nagbigay ng cash aid sa mga nasunugan sa Valenzuela

    BILANG tulong sa mga pamilyang nawalan ng bahay sa nangyaring sunog sa Barangay Gen. T. De Leon noong Enero 14, pinagkalooban ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian at ng opisina ni Senator WIN Gatchalian ng tulong pinansyal ang mga nasunugan sa Bitik Elementary School.     Ang bawat pamilyang pansamantalang […]