• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Makakatanggap na ngayong 2025… DBM, aprubado ang P7-K medical allowance para sa mga gov’t worker

MAKATATANGGAP na ngayon ang mga empleyado ng gobyerno ng medical allowance matapos aprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang guidelines o mga alituntunin sa pagkakaloob ng P7,000 medical allowance para sa 2025.
Ayon sa DBM, sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na ang Budget Circular 2024-6, ang magpapalabas ng guidelines, rules and regulations hinggil sa pagkakaloob ng medical allowance.
Ang pagkakaloob ng medical allowance ay nakahanay sa Executive Order (EO) 64 s. 2024, kung saan nakasaad din ang umento sa sahod ng mga government personnel, na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Agosto 2, 2024.
“This is a promise fulfilled,” ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman.
Ang annual medical allowance ay ipagkakaloob sa mga kuwalipikadong civilian government personnel bilang subsidya na makakuha ng health maintenance organization (HMO)-type benefits.
“Matagal ko na pong pangarap ito para sa ating mga kababayan. Pagpasok po ng 2025, maaari na po silang makatanggap ng medical allowance para makatulong sa pagkuha nila ng HMO para sa kanilang health-related expenses o gastusin,” ang sinabi ni Pangandaman.
Saklaw ng DBM circular ang lahat ng civilian government personnel sa national government agencies, kabilang na ang state universities and colleges at government-owned and controlled corporations na hindi sakop ng Republic Act 10149 at EO 150, s. 2021.
Ang lahat ng government workers, anuman ang appointment status, maging ito man ay regular, casual, or contractual; appointive o elective; at nasa full-time o part-time basis, ay ‘eligible’ para sa medical grant.
Ang mga empleyado ng local government units at local water districts ay sakop din.
Ang allowance ay ipagkakaloob sa anyo ng HMO-type product coverage, na maaaring I-avail ‘by either government agencies concerned or their respective employees’ organizations/groups.’
Puwede rin aniya itong cash para pag-avail ng sarili o magbabayad/ renew ng kanilang umiiral na HMO-type benefit.
Samantala, pinasalamatan naman ng Kalihim si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para lagyan ng ‘premium’ ang kalagayan ng mga manggagawa ng gobyerno.
“This medical allowance is not just a benefit, it’s a vital investment in safeguarding a healthy workforce and ensuring that they perform at their best,” ang sinabi ni Pangandaman. (Daris Jose)
Other News
  • PBBM sa DILG, PNP: Habulin lahat ng KFR groups

    INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Philippine National Police (PNP) at Department of Interior and Local Government (DILG) na habulin ang Kidnap for Ransom (KFR) groups sa bansa. Sa press briefing sa Palasyo, sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na inatasan siya ng Presidente na palakasin ang kampanya laban sa KFR groups at lansagin ang […]

  • 60 porsyento ng tawag sa 911, prank calls – DILG

    TINATAYANG 60% ng mga natatanggap na tawag sa 911 ng Philippine National Police (PNP) ay prank calls. Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa press briefing sa Malakanyang, na sa kabila ng mga natatanggap na prank calls ay hindi sila makagawa ng hakbang para maparusahan ang mga may kagagawan nito. […]

  • Mga jeepneys na hindi sumali sa PUVMP, huhilin simula May 1 bilang colorum units

    SIMULA May 1 ay manghuhuli na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng mga colorum na jeepneys na hindi sumali at lumahok sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.     Ayon kay LTFRB chairman Teofilo Guadiz na may 79 porsiyento ng mga public utility vehicles (PUVs) sa buong bansa ang […]