Makeover sa Manila Bay gamit ang dolomite sand, matatapos
- Published on May 26, 2021
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Malakanyang na matatapos ang makeover ng Manila Bay gamit ang dinurog na dolomite sand sa kabila ng ulat na ang artificial sand na inilalagay ng pamahalaan ay nawa-washed out lang papuntang karagatan.
Ang environment department ay naglaan ng pondo para sa nasabing proyekto.
“The Bayanihan Law, which allows President Rodrigo Duterte to realign funds to the COVID-19 response, is not applicable to the dolomite budget because it has been committed,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.
“Pupuwedeng ma-realign ang ilang mga pondo na hindi pa po siya naa-align for a specific purpose. Pero ito po, completely bidded out and partially executed, so kinakailangan pong tapusin iyan,” dagdag na pahayag nito.
Sa ulat, hinikayat ng Oceana Philippines ang environment department na atasan ang contractor nito na itigil na ang paglalagay ng dolomite sa Manila Bay, at sa halip ay gamitin ang project funds para sa COVID-19 crisis.
Sinabi ng advocacy group na na-washed out at nabalik sa karagatan ang dolomite na inilagay sa nasabing lugar noong nakaraang taon.
Ayon sa DENR, naglagay sila ng “geotubes” sa nasabing lugar para panatilihin ang dolomite sa nabanggit na lugar at masyado pa aniyang maaga para sabihin na ang artificial sand ay humulas at nawala na. (Daris Jose)
-
PBBM, pinuri ang naging kontribusyon ng mga magsasaka sa pagtiyak na may ‘sapat na pagkain’ sa bansa
KINILALA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang mahalagang kontribusyon ng mga magsasaka sa pagtiyak na may sapat na pagkain sa bansa sa kabila ng lahat ng mga hamon. “Tanggapin po ninyo ang aming pasasalamat sa mahalagang papel na ginagampanan ninyo araw-araw para masiguro na ang bawat Pilipino ay may sapat na pagkain,” ang […]
-
Utos ni PBBM sa BOC, ipagpatuloy ang ‘warehouse raids’ para labanan ang hoarding, illegal rice imports
INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Bureau of Customs (BOC) na ipagpatuloy lamang ang raids o isang bigla at hindi inaasahang pagsalakay sa mga warehouse o bodega para tugunan ang usapin ng hoarding at illegal rice importation. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio na ang naging direktiba […]
-
Mga negosyo na pinayagang mag-operate sa mga lugar na nasa ilalim ng MECQ, inilatag ng DTI
HINDI papayagan ang dine-in option para sa restaurants, barbershops, salons, internet cafes at review centers sa susunod na 15 araw matapos na muling ibalik ang Metro Manila sa modified enhanced community quarantine. Ito ang binigyang diin ni Trade Secretary Ramon Lopez makaraang isailalim ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte linggo ng gabi, Agosto 2 ang Metro […]