• September 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Makinarya ng gobyerno, siniguro na gumagana para sa mga residenteng posibleng maapektuhan ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon

SINIGURO ng pamahalaan na gumagana ang makinarya ng gobyerno sa harap ng patuloy na pagbabantay sa aktibidad ng Bulkang Mayon sa Albay gayundin sa Taal at Kanlaon.

 

 

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian sa press briefing sa Malakanyang, kumikilos ang lahat ng mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno para tugunan ang anumang  pangangailangan ng mga maapektuhang residente ng pinangangambahang pagputok ng bulkan.

 

 

Sa katunayan aniya ay tumawag na rin sa kanya si Defense Secretary Gibo Teodoro at nag-alok ng logistics ng kanilang ahensiya.

 

 

Bukod dito, nakausap na rin aniya niya si DILG secretary Benhur Abalos at nangakong magpapadala ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

 

 

Samantala, sa pamamagitan ni Abalos, ang royal family ng Arab Emirates ay nagpadala na ng 50 toneladang food items sa bansa. (Daris Jose)

Other News
  • RIDER ARESTADO SA SHABU SA VALENZUELA

    BAGSAK sa kulungan ang isang rider matapos makuhanan ng shabu makaraang masita ng mga pulis sa quarantine control point dahil walang suot na helmet habang nagmamaneho ng motorsiklo sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi.     Nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 11 under Article II of RA 9165 at Art. 151 of RPC ang […]

  • Sunog sa Maynila: Higit 300 pamilya nawalan ng tahanan

    MAHIGIT 300 pamilya ang nawalan ng kanilang tirahan makaraang isang malaking sunog ang su­miklab sa isang residential area sa Port Area, Maynila nitong Huwebes ng gabi.     Ayon sa Manila Fire Department, bandang alas-7:00 ng gabi nang magsimula ang sunog sa dalawang palapag ng bahay sa Block 17 Old Site, Baseco sakop ng Brgy. […]

  • Layong i-institutionalize ang kasunduan sa pagitan nng DND at UP, reasonable proposal- Sec. Roque

    ITINUTURING ng Malakanyang na “reasonable proposal” ang paghahain ng batas na naglalayong i-institutionalize ang kasunduan sa pagitan ng Department of National Defense at ng University of the Philippines (UP) na nagbabawal sa presensiya ng mga sundalo at pulis sa nasabing campus.   “We’ve always respected the prerogative of our legislators to legislate national policies. Sa […]