• February 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malabon, ginawaran ng Gawad Kalasag Seal

NAKATANGGAP ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon ng Gawad Kalasaf Seal of Excellence mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

 

 

 

Personal na tinanggap ni Mayor Jeannie Sandoval ang award, kasama si Malabon Disaster Risk Reduction and Management Office Officer-in-Charge Roderick Tongol sa ginanap na 24th Gawad KALASAG National Awarding Ceremony na ginanap sa Manila Prince Hotel, sa Lungsod ng Maynila.

 

 

Ayon kay Mayor Jeannie, ito ay para sa mga inisyatiba ng pamahalaang lungsod para sa kaligtasan ng mga Malabueño tuwing may kalamidad.

 

 

Dagdad niya, nakamit ng pamahalaang lungsod ang “Beyond Compliant” na siyang nagpapatunay ng dedikasyon nito sa pagpapabuti ng mga operasyon, plano, at programa, para sa katatagan at kaayusan sa panahon ng bagyo at iba pang sakuna.

 

 

“Congratulations, Malabon! Makakaasa po kayo na magpagiigihan pa natin ang pagpapatupad ng mga programa para sa mahal nating Malabueño,” pagbati niya. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads November 7, 2024

  • Back-rider tigbak sa trailer truck, driver sugatan

    ISANG 51-anyos na back-rider ang namatay habang sugatan naman ang nagmamaneho ng kanilang motorsiklo matapos mabangga ng isang trailer truck sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.     Dead-on-the-spot si Ariel Macaraeg, machine operator, at residente ng 44 Prelaya St. Brgy. Tugatog sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan habang ang kanyang kapitbahay na […]

  • Gobyerno ng Pilipinas, naghahanda na para ialis ang mga Pinoy sa Sudan

    GINAGAWA na ng pamahalaan ang kailangang paghahanda para ialis  ang mga Filipino sa Sudan  kasunod ng idineklarang 72-hour ceasefire roon.     Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang idineklarang 72-hour ceasefire ay makapagbibigay  ng oportunidad o pagkakataon para maibalik sa Pilipinas ang mga Filipinong naipit sa war-torn country.     Ang pahayag na […]