Malabon LGU, hinikayat ang mga residente na makilahok sa mga aktibidad laban sa dengue
- Published on April 15, 2025
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN ang lokal na pamahalaan ng Malabon, sa mga residente na aktibong lumahok sa kampanya ng lungsod para labanan ang dengue fever para pigilan ang pagkalat ng sakit at pangalagaan ang kalusugan ng komunidad.nn“Iba’t ibang aktibidad at programa po ang ating ipinatupad upang mas paigtingin ang ating kampanya laban sa sakit na dengue. Ito po ay nakamamatay, ngunit maaari po natin itong mapigilan. Maliban sa paglilinis ng kapaligiran, atin pong hinihikayat ang mga Malabueno na alamin at gawin ang mga paraan upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na ito at mapanatiling ligtas at malulusog na pangangatawan at lungsod,” pahayag ni Mayor Jeannie Sandoval.nnSa ulat ng City Health Department (CHD) – City Epidemiology Surveillance Unit, nasa 469 ang hinihinalang may kaso ng dengue, kabilang ang 5 nasawi, mula Enero 1 hanggang Marso 29, 2025.nnSa mga barangay na may kumpirmadong kaso ng dengue, ang Barangay Longos ang nagtala ng pinakamataas na bilang, na may 115 kaso, sinundan ng Barangay Tonsuya na may 45 na kaso, at Barangay Catmon na may 36.nnBilang tugon, dinoble ng pamahalaang lungsod ang pagsisikap nito sa pagsubaybay sa sakit sa iba’t ibang lugar, partikular sa mga lansangan kung saan naiulat ang mga hinihinalang kaso ng dengue. Bukod pa rito, ang lungsod ay patuloy na nagpapatupad ng integrated vector management (IVM) na mga estratehiya, kabilang ang mga aktibidad ng misting sa mga high-risk zone, source reduction initiatives upang maalis ang mga lugar na pinag-aanak ng lamok, at regular na declogging operations sa mga drainage system at mga daluyan ng tubig.nnIlulunsad din ng Ospital ng Malabon ang “OsMal Dengue Express Lane 24/7,” na naglalayong pahusayin ang pangangalaga para sa mga pasyente ng dengue, mapadali ang koordinasyon sa mga tertiary hospital para sa paglipat ng pasyente, at tiyakin ang napapanahong pagpapakalat ng mahalagang impormasyon.nnAng lokal na pamahalaan ay nagsasagawa rin ng mga awareness campaign at lecture sa mga pampubliko at pribadong elementarya at mataas na paaralan upang matiyak na ang mga Malabueno ay may kaalaman tungkol sa pag-iwas at paggamot sa dengue.nnSumailalim din sa pagsasanay sa pagsubaybay sa saki 100 health personnel mula sa lungsod, kabilang ang mga doktor, nars, at sanitary inspector upang mapahusay ang kanilang kahandaang tumugon nang epektibo sa oras ng pangangailangan.nnBinigyang-diin ng CHD ang kahalagahan ng maagang konsultasyon, dahil tinitiyak nito na ang mga pasyente ng dengue ay makakatanggap ng kinakailangang paggamot para sa mas mabilis na paggaling at nakakatulong na maiwasan ang mga pagkamatay.nn“Sa ating mga mahal na Malabueno, sariling inisyatiba pa rin ng paglilinis at pag-ayos ng kapaligiran ang unang dapat nating isipin upang makaiwas sa sakit na dengue. Kasabay ito ng patuloy nating pagsasagawa ng mga programang nakatuon sa paglilinis, pagtanggal ng mga maaaring pamugaran ng lamok, at tulong para sa mga naapektuhan ng sakit,” panawagan ni Dr. Alexander Rosete, City Administrator. (Richard Mesa)
-
Ads February 16, 2022
-
Magat dam, handang harapin ang mga posibleng kasong isasampa sa kanila ng mga LGU
NAKAHANDA ang pamunuan ng National Irrigation Administration na may superbisyon sa Magat dam na haharapin nila ang anumang reklamong ihahain laban sa kanila hinggil sa pagpapakawala ng tubig sa nasabing dam na sinasabing dahilan ng malawakang pagbaha sa Cagayan. Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni NIA Administrator RGen. Ricardo Visaya na magandang oportunidad […]
-
“Agila” Natividad bagong OMB chair
KINUMPIRMA ng Malakanyang ang pagkakatalaga kay dating Malolos City Mayor Atty. Christian “Agila” Natividad bilang miyembro at magiging kinatawan ng academe, at bagong Chairperson ng Optical Media Board (OMB). Tatlong taon ang magiging termino ni Natividad. Umaasa si Presidential spokesperson Harry Roque na ang pagkakatalaga kay Natividad ang magiging daan para maging matagumpay […]