• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malabon LGU, magtatayo ng mid-rise housing project

ITATAYO ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon ang bagong mid-rise socialized housing project sa Barangay Potrero, kasunod ng isinagawang groundbreaking ceremony nito sa pangunguna ni Mayor Jeannie Sandoval.nnAng nasabing proyekto, na may dalawang magkatulad na mid-rise buildings (Building A at B), ay itatayo sa Guyabano Street, at magbibigay ng mas ligtas at marangal na tahanan para sa humigit-kumulang 200 pamilya.nn“Isang proyektong pabahay muli ang ating sisimulan upang makapagbigay ng maayos na bubong para sa mga pamilyang Malabueño. Ito po ay bahagi ng ating mga plano para sa kaligtasan at kapakanan ng mga Malabueño. Alam po natin na ang magkaroon ng sariling bahay pangarap ng ating mga kapwa mamamayan. Kaya atin pong sinisikap na makagawa ng mga proyekto para sa inyo. Sa Malabon, may katuparan ang mga pangarap, may pag-asa,” ani  Mayor Jeannie.nnSinabi ng City Housing and Urban Development Department (CHUDD) na ang pagbuo ng bagong proyekto sa pabahay ay pinasimulan sa ilalim ng City Ordinance No. 05-2025 or An Ordinance Declaring the Forfeited Lot Covered by Transfer Certificate of Title No. T-126388 to be under the Socialized Housing Program and Land-for-the-Landless Program of the City Government of Malabon and for other Purposes.nnAng target na mga benepisyaryo ng proyekto ay ang mga residente ng Malabon, partikular ang mga kabilang sa informal settler sector, llow-income families na nangangailangan ng mabibilis na pabahay, ang mga kasalukuyang nakatira sa danger zones, sa tabi ng mga daluyan ng tubig, o sa mga pampublikong lupain, gayundin ang mga nakakatugon sa pangangailangang pinansyal para sa socialized housing.nnIbinahagi ng City Engineering Department na ang bawat gusali ay magkakaroon ng 4,066.5 square meters na kabuuang kabuuang lawak ng palapag na may 10 silid bawat palapag (100 kuwarto bawat gusali, 24 sqm. bawat isa).nnAng ground floor ng gusali ay magtatampok ng 4 leasable area, reception lobby, administrative office, security room, Materials Recovery Facility (MRF), maintenance room, main electrical at telco room, transformer room, pump room, female common CR, male, common CR, PWD CR, at Shared/Common CR.nn“Ang mga proyektong ito ay hindi lamang magbibigay ng maayos at ligtas na mga bubong para sa ating mga kababayang Malabueño. Magkakaroon din sila ng access sa mga pasilidad na nakatuon sa kanilang mga pangangailangan,” pahayag ni City Administrator and CHUDD concurrent head Dr. Alexander Rosete.nn“Sa ating pagsasagawa ng mga plano para sa ikabubuti ng buhay ng bawat mamamayan, prayoridad po natin ang kanilang kaligtasan, kaginhawaan, at kapakanan. Kasabay ito ng ating layuning mas progresibo at mas magandang lungsod ng Malabon,” dagdag niya. (Richard Mesa)

Other News
  • Itinuturing na pinaka-mahirap na journey niya: HEART, inaming dumaan sa IVF treatment para magkaroon ng baby

    HINDI talaga nauubusan ng mga rebelasyon o panggulat ang actress/fashion icon na si Heart Evangelista.   Sa September issue ng L’Officiel Philippines Magazine kunsaan siya ang feature, inamin ni Heart na dumaan siya sa IVF treatment o in-vitro-fertilization para magkaroon ng baby.   Itinuturing ito ni Heart na pinaka-mahirap na journey raw niya, lalo na […]

  • LTO puspusan ang ginagawang hakbang para maresolba ang singil lisensiya at mga driving schools

    PUSPUSAN na ang ginagawang mga hakbang ng Land Transportation Office (LTO) para maresolba ang problema ng mga kumukuha ng kanilang driver’s license partikular ang singil sa mga driving school.     Sa pahayag ni LTO Chief Asec. Jay Art Tugade sa pagdalo nito sa Balitaan sa Tinapayan, nakumpleto na ng binuo niyang komite ang pagrereview […]

  • Lalaki na wanted sa pagpatay sa Valenzuela, nabitag sa Caloocan

    ISANG lalaki na wanted sa pagpatay ang nasakote ng mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng Valenzuela police sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.     Sa ulat ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr. sa Northern Police District (NPD), nakatanggap ng impormasyon ang SIS na naispatan sa Camarin, […]