Malabon LGU naglunsad ng job fair para sa mga benepisyaryo ng 4Ps
- Published on June 12, 2024
- by @peoplesbalita
NAGLUNSAD ng job fair ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps kahapon, Martes.
Ito ay pinangunahan ng Malabon Public Employment Service Office (PESO) sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Department (DSWD) na layong magbigay ng bagong oportunidad sa 4Ps beneficiaries.
Ka-partner din ng PESO sa naturang job fair ang iba’t ibang companies na handang magbigay ng trabaho para sa mga nangangailangan na ginaganap sa Malabon Sports Center at tatagal hanggang alas-4 ng hapon.
Kabilang sa mga trabahong maaaring aplayan sa naturang job fair ang service crew, maintenance worker, welder, accounting staff, delivery rider, at iba pa.
Umaasa naman si Malabon Mayor Jeannie Sandoval na maraming 4Ps beneficiaries ang makilahok sa job fair para makatulong sa pag-angat ng kanilang pamumuhay.
(Richard Mesa)
-
30% dagdag sa sahod ng mga papasok sa trabaho sa May 9 – DOLE
MAKAKATANGGAP ng dagdag na 30% sa suweldo ang mga empleyadong pumasok at nag-duty sa trabaho sa araw ng halalan. Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ito ay makaraang ilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 1357 na nagdedeklara sa Mayo 9, 2022 national and local elections bilang isang ‘Special (Non-Working) […]
-
Jeepney drivers nais ng malinaw na plano patungkol sa subsidiya ng DOTR sa piling PUV routes
NAIS ng ilang jeepney drivers na magkaroon ng malinaw na plano ang Department of Transportation kung paano makakarating sa mga jeepney driver ang nais nilang ibahagi na subsidiya. Ang ilan sa mga jeepney drivers raw ay hindi nakakatanggap ng sinasabing subsidiya, dahil anila, ang mga operators ang tumatanggap nito at hindi na nakakababa […]
-
Pondo ng NTF-ELCAC gawin na lang ayuda
Matapos ang red-tagging sa mga organizer ng community pantry, nais ng ilang senador na tanggalan ng pondo ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). Sa tweet ni Sen. Joel Villanueva, sinabi niya na ang kasalukuyang P19 bilyon budget ng NTF-ELCAC sa susunod na budget ay ilaan para sa ayuda, habang […]