Malabon LGU, nagsagawa ng simultaneous clean-up drive para puksain ang dengue
- Published on February 14, 2025
- by Peoples Balita
HINIMOK ni Mayor Jeannie Sandoval ang mga Malabueno na makiisa sa kampanya ng Pamahalaang Lungsod na magsagawa ng sabay-sabay na clean-up drive sa iba’t ibang bahagi ng lungsod para maiwasan ang pagdami ng sakit na dengue
“Kalusugan pa rin ang ating prayoridad dahil ito ang siyang pinakauna na kailangan nating mapangalagaan at mapanatili para sa bawat residente sa lungsod sa ating patuloy na pag-unlad. At ngayon na may mga balitang pagtaas ng kaso ng dengue sa iba’t ibang lungsod ay nakahanda po tayo para kaligtasan ng bawat mamamayan. Nagsasagawa po tayo ng mga clean-up drives upang masiguro na ang mga lamok na pinanggagalingan ng sakit na ito ay hindi mamamahay sa mga lugar sa ating lungsod,” pahayag ni Mayor Jeannie.
“Kasabay nito ay ang ating patuloy na paghikayat sa ating mga kababayan na sumama sa atin upang mapigilan ang pagdami ng kaso dengue at masiguro na tayo ay ligtas at masayang mamumuhay sa ating lungsod,” dagdag niya.
Ibinahagi ng City Health Department (CHD) na nakapagtala ito ng kabuuang 151 kaso sa lungsod mula Enero 1 hanggang Pebrero 1, 2025.
Ayon sa ulat ng CHD, ang Barangay Longos ang may pinakamataas na bilang ng mga kaso, na may 29 na hinihinalang dengue infection, habang ang Barangay Flores, Acacia, Muzon, at Bayan-bayanan ay nag-ulat ng tig-isang kaso.
Bilang tugon, agad nagsagawa ang mga tauhan ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng clean-up operations sa mga pangunahing lugar na may pinakamataas na naiulat na kaso ng dengue. Kabilang dito ang Magsaysay at S. Pascual Streets sa Barangay San Agustin, C. Perez Street at Palmario II sa Barangay Tonsuya, at Sampaguita Street sa Barangay Potrero. Ang mga lugar na ito ay kinilala bilang mga “hot spot” ng dengue dahil sa magkakasunod na linggo ng maraming naiulat na kaso.
Pinayuhan din CHD ang mga residente na panatilihing malinis ang kanilang kapaligiran.
Ang aktibong komunikasyon sa pagitan ng community leaders, city departments, at iba pang ahensya ay patuloy na sinusubaybayan ang mga aktibidad sa paglilinis at ang katayuan ng mga kaso ng dengue sa iba’t ibang lugar.
“Sa ating patuloy na pagsasagawa ng mga aktibidad para sa kalinisana ay ang ating patuloy na pagpapaalala sa ating mga kababayang Malabueno na pag-ingat, at maging responsable pagdating sa kanilang kapaligiran. panatilihing malinis, at maaliwalas upang ating kalusugan ay mapangalagaan,” ani City Administrator Dr. Alexander Rosete. (Richard Mesa)
-
Simula sa Rizal Day, December 30: Digitally restored and remastered na ‘Jose Rizal’, mapapanood na sa Netflix PH
ANG “Jose Rizal,” ang makasaysayang pelikula noong 1998 na ginawa ng GMA Pictures, ay digitally restored and remastered para sa isang bagong henerasyon ng mga manonood. Mapapanood na ang cinematic masterpiece sa Netflix Philippines simula sa Rizal Day, December 30. Ang klasikong pelikula noong 1998, na pinamunuan ng yumaong direktor na […]
-
Ads October 7, 2023
-
Galvez, humingi ng paumanhin sa publiko dahil sa vaccination delay sa ilang LGUs
HUMINGI ng paumahin si Vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa publiko dahil sa vaccination delay sa ilang local government units (LGUs) bunsod ng kakulangan ng suplay ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Tiniyak ni Galvez sa publiko na magiging normal ang sitwasyon sa Hunyo 14. Ani Galvez, nagkaroon ng problema matapos […]