Malabon LGU, PRC nagkaisa sa pagpapatupad ng insurance coverage program para sa mga empleyado
- Published on March 3, 2025
- by Peoples Balita
NAKIPAGTULUNGAN ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa Philippine Red Cross (PRC) upang ipatupad ang Membership Accident Assistance Benefits (MAAB) Program para sa mga empleyado at miyembro ng iba pang sektor sa lungsod.
Pormal na nilagdaan ni Mayor Jeannie Sandoval ang memorandum of agreement na naglulunsad ng programa, kasama sina PRC Secretary General Dr. Gwendolyn Pang, PRC-Malabon Chapter Chairman Ricky Sandoval, City Administrator Dr. Alexander T. Rosete, PRC-Malabon Fund Generation Committee Chairperson Ms. Flerida Marcelo, at PRC-Malabon Officer-in-Charge Marcelo.
“Sinisikap po ng ating lokal na pamahalaan na bawat isa sa atin ay magkaroon ng seguridad at kasiguruhan sa kanilang kalusugan at kaligtasan ano man ang panahon. Kaya ikinagagalak ko po ang ating pakikipagtulungan sa Philippine Red Cross para sa isang napakahalaga at napakagandang programang ipatutupad sa ating lungsod. Ngayon, mas mapapabuti pa natin ang mga serbisyong pangkalusugan hindi lang para sa mga regular na mga empleyado ng lungsod, kundi sa lahat ng mga kawani at mga sektor sa ating lipunan na may mahahalagang ambag sa ating pag-unlad,” ani Mayor Jeannie.
Ang MAAB Program ay naglalayong mag-enroll ng mahigit 3,000 kaswal at kontraktwal na empleyado, job order employees, aktibong miyembro ng Jeepney Operators and Drivers Association (JODA), miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA), miyembro ng ETRIKE Association, at aktibong Rescue and Fire Volunteer Groups sa Malabon, lahat ay nasa ilalim ng komprehensibong insurance coverage. Kasama sa saklaw ng proteksyon ang accidental death, disablement, dismemberment, daily allowance sa ospital sakaling magkasakit at burial assistance.
Ang mga benepisyaryo ay makakatanggap ng identification card, na maaari nilang iharap sa PRC para sa kanilang insurance coverage.
Ang lokal na pamahalaan ay patuloy na makikipagtulungan sa PRC, lalo na sa pag-oorganisa ng mga pagsasanay, blood donation drive, at iba pang serbisyo para sa kapakinabangan ng mga Malabueno sa oras ng pangangailangan.
“Sa paraang ito, mas maipapadama natin sa ating kapwa Malabueno na tayo ay handang tumulong at umalalay sa panahon na kinakailangan nila, katuwang ang Philippine Red Cross. Ang paglada ng kasunduang ito ay isang simbolo ng pagtutulungan para sa pagpapabuti ng mga programang pangkalusugan at kaligtasan. Makakaasa kayo na patuloy ang pamahalaang lungsod, sa pangunguna ni Mayor Jeannie, sa pagsasagawa ng mga programa na nagbibigay prayoridad sa bawat indibidwal para sa kanilang kinabukasan,”. Pahayag ni City Administrator Dr. Alexander T. Rosete. (Richard Mesa)
-
May mga pasabog at sorpresa sa fans: JULIE ANNE at RAYVER, ikukuwento ang love story sa kanilang concert
IKUKUWENTO nila Julie Anne San Jose at Rayver Cruz ang love story nila sa nalalapit na concert nila na JulieVerse sa November 26 sa Newport Performing Arts Theater. Ayon sa “JulieVer” loveteam, nagsimula silang dalawa bilang co-hosts sa show na ‘The Clash’ hanggang sa maging more than friends na ang turingan nila. Kaya […]
-
ANG PINAKAMAHALAGANG BOTO NI HON. BONG SUNTAY
Si Congressman Jesus “Bong” C. Suntay ay ang Congressman ng District 4 ng Quezon City at Chairman ng Committee on Human Rights sa House of Representatives. ‘NO’ ang boto nya sa Anti-Terrorism Bill. Kung ang Chairman mismo ng Human Rights Committee sa Kongreso ay ni-reject ang Bill na ito, ano ang ibig sabihin? […]
-
TONI, nag-resign na bilang main host ng ‘PBB’ at ipinasa kay BIANCA
SUMABOG na ang galit lalo na ng mga Kapamilya employees at Kapamilya staff, maging ang ilang mga netizens dahil sa lantarang pagsuporta na ni Toni Gonzaga sa kandidatura ng kanilang ninong na si Bongbong Marcos, plus of course, kay Mayor Sara Duterte. Kitang-kita naman sa mga Instagram stories na pinost at ni-repost ni […]