• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malabon LGU, suportado ang MCPS sa laban sa kriminalidad

NANGAKO ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon, sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Jeannie Sandoval, na patuloy na susuportahan ang Malabon City Police Station (MCPS) sa kanilang pagsusumikap laban sa kriminalidad kasunod ng sunud-sunod na matagumpay na operasyon na naging dahilan ng pagbaba ng insidente ng krimen sa buong lungsod.
Ayon kay MCPS Chief P/Col. Jay Baybayan, bumaba sa 34 lamang ang insidente ng krimen sa Malabon noong unang quarter ng 2025, na minarkahan ng 38.18% na bawas (21 mas kaunting kaso) kumpara sa 54 na insidenteng naitala noong fourth quarter ng 2024.
“Sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa lungsod, makakaasa ang ating lokal na kapulisan sa suporta ng pamahalaang lungsod. Saludo tayo sa kanilang dedikasyon at sakripisyo, sa pagbibigay ng kanilang pawis, dugo, at lakas upang masiguro ang seguridad sa lungsod at magbigay ng proteksiyon sa mga mahal nating Malabueno. Naririto lang ang pamahalaang lungsod upang umalalay sa mga operasyong ito na nagsisigurong ligtas ang ating lungsod at ang mga mamamayan nito,” pahayag ni Mayor Jeannie.
Sa ulat ng MCPS, umabot sa P6,000,000 halaga ng iligal na droga, kabilang ang 880.36 gramo ng shabu at 39.33 gramo ng marijuana ang kanilang nasamsam sa 86 na anti-illegal drug operations na isinagawa sa buong lungsod mula Enero 1 hanggang Marso 31, 2025 kung saan nasa 107 drug suspects ang naaresto.
Bukod rito, naglunsad ang MCPS ng 17 operasyon kontra sa illegal na nag-iingat ng mga baril na nagresulta sa pagkakumpiska ng 17 loose firearms at pagkaaresto sa 18 indibidwal.
Nagsilbi rin ang pulisya ng warrant of arrest sa 11 Top Most Wanted Persons ng lungsod, 15 sa Most Wanted Persons, at 84 na iba pa dahil sa iba’t ibang krimen. Bukod dito, 11 suspek ang naaresto sa mga operasyon ng iligal na sugal, na nagresulta sa pagkakasamsam ng P71,611 halaga ng gambling paraphernalia.
Patuloy din ang MCPS sa pagsasagawa ng mga checkpoint, mobile at motorcycle patrol, at mga hakbangin upang itaas ang kamalayan tungkol sa mga karapatan ng mga mamamayan at mga batas trapiko para bawasan ang bilang ng krimen, pagpapabuti ng police visibility, at pagpapaunlad ng tiwala at kumpiyansa sa pagitan ng pulisya at ng mga residente ng Malabon.
Upang palakasin ang operasyon nito, ang pamahalaang lungsod ay nagbigay ng 8 motorsiklo, 1 mobile patrol vehicle, 8 air conditioning units, 30 computer desktop, 30 printer, 230 CDM equipment, 3 drone, emergency kit, at iba pang sasakyan at kagamitan.
Noong 2024, nagbigay din si Mayor Sandoval ng P2,136,000 cash subsidy sa MCPS bilang pabuya sa kanilang pagsisikap sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, kung saan ang bawat opisyal ay tumatanggap ng P2,000 allowance.
Nagpahayag naman ng kanyang pasasalamat si Col. Jay Baybayan sa pamahalaang lungsod at sa mga Malabueno sa kanilang walang patid na suporta sa mga operasyon laban sa kriminalidad.
“Tayo po sa kapulisan ay palaging sinisikap na maging maayos at tahimik ang ating lugar, lalo na po sa panahon ng kampanya at eleksyon. May mga inisyatibo po tayong ginagawa at mga estratehiya upang mapanatili ang ating anti-criminality efforts,” ani Col. Baybayan.
“Kami po ay nakikiusap sa ating mga kababayan na tulungan kami upang mapanatili ang peace and order ng ating lungsod. May mga checkpoints at Oplan S.I.T.A. kami sa iba’t ibang lugar. Tayo po ay sumunod lamang sa ating mga kapulisan, at ito po ay malaking tulong upang mas mapabuti ang ating operasyon.” panawagan niya sa publiko.
Hinimok din ni City Administrator Dr. Alexander Rosete ang mga residente ng Malabon na patuloy na makipagtulungan sa MCPS at lokal na pamahalaan upang matiyak ang mabilis na aksyon sa mga bagay na may kinalaman sa krimen. (Richard Mesa)
Other News
  • Gilas Pilipinas mamanduhan ni Uichico

    Pinangalanan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) si veteran mentor Jong Uichico upang maging head coach ng Gilas Pilipinas para sa FIBA Asia Cup Qualifiers na lalarga sa Nobyembre 27 hanggang 30 sa Manama, Bahrain.   Inihayag kahapon ni SBP president Al Panlilio ang anunsiyo kung saan makakasama ni Uichico sa c­oaching staff sina assistant […]

  • Department of Health , nakapagtala ng 593 na kaso ng chikungunya

    NAKAPAG-ULAT ang Department of Health (DOH) ng halos 600 kaso ng chikungunya sa buong bansa.     Ang pinakahuling Disease Surveillance Report ng DOH ay nagpakita na mayroong 593 kaso na naiulat mula Enero 1 hanggang Disyembre 3.     Ang bilang ay 566 porsyento na mas mataas kaysa sa 89 na kaso ng chikungunya […]

  • PBBM nakikiisa sa Catholic community sa pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno

    NAKIKIISA si Pang. Ferdinand Marcos Jr sa mga debotong Katoliko sa pagdiriwang  ng Pista ng Itim na Nazareno.     Hinikayat ang mga Filipino na gawing inspirasyon ang aktibidad upang matuklasan ang panloob na lakas at bagong pakiramdam ng pag-asa.     Ayon sa Pangulo ang nasabing selebrasyon ay nagpapakita ng pag ibig at sakripisyo […]