• September 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, ayaw pang magbigay ng target na bilang ng mga babakunahan

WALA pang maibigay ang Malakanyang na bilang na aabutin ng pamahalaan para sa ikalawang sigwada ng Bayanihan, Bakunahan.

 

Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, ikinukunsidera rin nila kasi ang pagtatakda ng target ng mga nasa LGU.

 

“Ayaw kong pangunahan ‘no iyong vaccine and the reason why hindi pa kami nagbibigay ng target is kailangan matandaan po natin na—or maintindihan natin na tuluy-tuloy pa naman ‘no, tuluy-tuloy pa rin iyong ginagawa nating bakunahan,” ayon kay Nograles.

 

Maganda rin naman ang performance ng mga lokal na pamahalaan at ang gagawin na lang ani Nograles nila ay magkaroon ng recalibration.

 

Mula doon sabi ng tagapag- salita ay saka na lang sila maglalabas ng indicative target.

 

Nitong nakaraang unang Pambansang bakunahan, siyam na milyon ang tinarget na maturukan ng vaccine para sa tatlong araw na pagbabakuna.

 

Hindi man naabot ang 9 million, hindi na rin masama ayon sa mga otoridad ang higit walong milyong nakatanggap ng vaccine at itinuturing aniyang tagumpay ang unang sigwada ng Bayanihan, Bakunahan.

 

“So all the way up to December 15 mayroon pa ring ongoing vaccinations na ginagawa. So depende sa supply, depende—although wala na tayong problema sa supply, depende na rin siguro sa pagsi-set ng targets per LGU,” aniya pa rin.

 

“Because some LGUs maganda naman ang performance ‘di ba so we’ll make the recalibration na lang din then come up with an indicative target,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Other News
  • P1 dagdag pasahe sa jeepney, approve na sa NCR, Reg. 3 at Reg. 4 – LTFRB

    INAPRUBAHAN na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kahilingan ng mga jeepneys drivers na dagdag na pisong taas ng pamasahe.     Gayunman ang fare hike ay para lamang sa mga jeepneys na bumabiyahe sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, at Mimaropa simula sa darating na Huwebes.     Dahil dito nasa […]

  • Pagtatayo ng PCOO Academy, sisimulan ngayong Setyembre-Andanar

    SA WAKAS, magsisimula na ang pagtatayo ng Government Strategic Communications Academy (GSCA) ngayong buwan ng Setyembre.   Sa isang kalatas, sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar na ang proyektong ito ay magkakaroon ng “breaking ground” ngayong buwan sa loob ng compound ng Northern Bukidnon State College (NBSC) sa Manolo Fortich, Bukidnon. […]

  • Ads February 14, 2022