Malakanyang, binalaan ang mga Alkalde laban sa pagpapatigil at pagbasura sa COVID-19 face shield policy
- Published on November 10, 2021
- by @peoplesbalita
BINALAAN ng Malakanyang ang mga Alkalde na sasalungat sa mandatory face shield policy para sa mga “crowded and enclosed spaces.”
Ang polisiya ay nananatiling epektibo maliban na lamang kapag sinabi na ng pandemic task force na tigilan na ang paggamit ng face shield.
Ang paalalang ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay matapos na ipatigil ng Lungsod ng Davao, Manila, Iloilo, at iba pa ang polisiya sa labas ng hospital setting.
“Ang desisyon po ng IATF ay desisyon din ng Presidente. So ang desisyon po ngayon ay kailangan ipatupad muna ang mga face shields habang pinagaaralan po,” ayon kay Sec. Roque.
“Mayors are under the supervision of the President. Let us follow the chain of command,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.
Nauna rito, tinintahan na ni Manila Mayor Isko Moreno ang Executive Order No. 42 o ang Non-Mandatory Wearing of Face Shield sa lungsod ng Maynila.
Maliban lamang sa mga hospital, medical clinic, at iba pang medical facilities.
Ang nasabing kautusan ay agad na ipatutupad ngayong araw sa buong lungsod kung saan agad ding ipadadala ang kopya sa bawat establisimyento.
Napagdesisyonan ito ng lokal na pamahalaan ng Maynila base na rin sa mga guidelines na una nang ipinalabas ng Inter- Agency Task Force (IATF) partikular ang pagpapatupad ng Alert Level 2 system sa National Capital Region (NCR).
Isa din dito ang naging pahayag ni Interior Secretary Eduardo Año kung saan sinabi mismo ng kalihim na karamihan sa mga miyembro ng IATF ay pabor na huwag nang magsuot pa ng face shield.
Sinabi naman ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Benjamin Abalos na nagkaisa ang Metro Manila mayors na gawing opsyonal na lamang ang paggamit ng face shield.
Humirit naman si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeireng isa pang linggo para pag-aralan kung dapat na ngang alisin ang face shield requirement sa gitna ng mababang bilang ng COVID-19 cases. (Daris Jose)
-
Pinoys sa Taiwan naghahanda na sa paglikas
ISANG grupo ng mga Filipino sa Taiwan ang magpupulong tungkol sa evacuation plans sa gitna ng tumitinding tensiyon sa pagitan ng Amerika at China. Sinabi ni Mercedita Kuan, secretary-general ng Filcom Taiwan Northern na bagaman normal pa ang sitwasyon sa Taiwan, nananatili pa rin ang kanilang takot. Sinabi ni Kuan na […]
-
‘Shazam 2’ First Official Image Reveals All 6 Redesigned Superhero Suits
DAVID F. Sandberg, director of Shazam: Fury of the Gods reveals the first official look at the entire Shazam family’s new costumes. Following the success of 2019’s Shazam, Warner Bros. greenlit a sequel with Sandberg back at the helm. The first movie followed the origins of young hero Billy Batson (Asher Angel), who […]
-
Ramdam na hinaplos ang puso niya: ARNOLD, inamin na makasalanan pero ‘di pinabayaan ng Diyos
NAPALUHA kami sampu ng mga kasamahan naming mga Greeters and Collectors ministry ng Sto. Niño de Tondo nang napanood namin ang newscaster na si Arnold Clavio sa programang ‘Kapuso mo, Jessica Soho’ ng GMA channel 7. Deretsahang inamin ni Arnold on national television na isa siyang makasalanan at sa kabila nang […]