• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, clueless kung kailan maaaring maibalik ang face to face classes

CLUELESS ang Malakanyang kung kailan puwedeng ibalik ang face to face classses sa bansa.

 

Ito’y dahil sa hindi kasi kasama sa mga babakunahan ang mga menor de edad, 18 pababa.

 

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kung mawawala naman ang transmission o hawahan sa adult population dahil mababakunahan na sila, mababawasan din ang risk o panganib para makuha ng mga kabataan ang virus.

 

Magkagayon man, nilinaw ni Roque na wala siya sa posisyon para magbigay ng tiyak na sagot sa usaping ito  dahil naka depende ang sitwasyon sa mga darating na mga datos.

 

Aniya, magsisimula pa lamang kasi ang vaccination program at pag-aaralan pa ang magiging epekto ng bakuna sa mga target population.

 

Magugunitang, nagdesisyon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte nitong nakalipas na taon na kanselahin ang inilatag na pilot testing sa face to face classes sa ilang piling lugar sa bansa na isasagawa sana ngayong enero dahil na rin sa lumutang na bagong UK  variant ng Covid-19, para matiyak na mapo- protektahan ang mga kabataan laban sa virus.

Other News
  • Netizens, nagtalo-talo na naman dahil meron pa ring nanglait: HEART, pinasalamatan ni JINKEE dahil nagustuhan ang hand-painting sa Hermes bag

    PINASALAMATAN ni Jinkee Pacquiao si Heart Evangelista dahil nagustuhan niya ang hand-painting sa kanyang Hermes pink bag.   Pinost niya sa IG ang naturang painting ni Heart at may caption na, “thank you dear @iamhearte (pink heart emoji).   At nag-comment naman ang asawa ni Sen. Chiz Escudero ng, “I’m happy (kasama ang 5 red […]

  • Commission on Human Rights, sinimulan na ang imbestigasyon sa pangho-hostage kay ex-Sen. De Lima at pagkamatay ng mga suspek

    SINIMULAN  na raw ng Commission on Human Rights (CHR) ang kanilang motu proprio investigation sa insidenteng naging daan para sa i-hostage si dating Senator Leila de Lima na kasalukuyang nakapiit sa PNP-Custodial Center sa Camp Crame.     Kasama rin sa mga iniimbestigahan ang pagkamatay ng tatlong persons under police custody (PUPCs) na mga hostage-takers […]

  • Sara Duterte spokesperson, Mayor Frasco next Tourism secretary, Erwin Tulfo magiging DSWD chief ni Marcos

    LIMA  pang mga incoming cabinet members o top officials ni President-elect Ferdinand Marcos jr. ang inanunsiyo ngayon ng kanyang spokesperson na si Atty. Trixie Angeles.     Tatayong kalihim ng Presidential Management Staff na siyang nagsisilbing “in-house think tank” ay si dating Manila Rep. Naida Angping.     Habang ang susunod na magiging Tourism secretary […]