• May 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, hangad ang mabilis na paggaling ni dating Pangulong Estrada

HANGAD ng Malakanyang ang mabilis na paggaling ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada na isinugod sa ospital matapos tamaan ng COVID-19. 

 

“Please get well soon. Alamat po kayo dito sa Pilipinas,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

“We want to see you healthy and we want you to take part in the public life of the country for a very long period of time,” dagdag na pahayag ni Sec.Roque.

 

Sa ulat, kumpirmadong tinamaan ng nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19) ang aktor at dating pangulo ng Republika ng Pilipinas na si Joseph “Erap” Estrada, ayon sa kanyang pamilya.

 

Ang balita ay inanunsyo ng kanyang mga anak na sina dating Sen. JV Ejercito at Jinggoy Estrada sa social media ngayong Lunes.

 

“Please pray for my father who has tested positive for COVID-19 and was rushed to the hospital,” ani Ejercito sa kanyang Twitter post ngayong umaga.

 

“Please pray for all those who are likewise fighting this virus.”

 

Ayon kay Jinggoy, isinugod si Erap sa ospital Linggo ng gabi dahil sa kahinaan ng katawan.

 

“Stable po ang kanyang kundisyon at ako po ay humihingi ng inyong mga panalangin sa kanyang agarang paggaling,” ani Jinggoy sa Facebook.

 

Kilalang mabagsik ang COVID-19 lalong-lalo na sa mga senior citizen. Si Estrada ay 86-anyos na.

 

Matapos mamayagpag sa pinilakang tabing lalo na sa larangan ng aksyon, matatandaang nagsilbi si Estarada bilang senador mula 1987-1992 hanggang naging bise presidente noong 199-1998.

 

Umupong pangulo si Estrada noong 1998 ngunit agad ding na-impeach noong Nobyembre 2000 dahil sa paratang kaugnay ng “bribery, corruption, betrayal of public trust” at “violation of the Constitution” — hanggang sa tuluyang lisanin ang Palasyo matapos ang Ikalawang Pag-aalsa sa EDSA noong Enero 2001.

 

Matapos makulong nang maraming taon, matatandaang nakalaya si Estrada mula sa kanyang detention quarters sa Tanay, Rizal noong Oktubre 2007. Sinubukan niya uling tumakbo sa pagkapangulo noong 2010 ngunit natalo ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

 

Nagpaabot naman ng kanyang mga panalangin kina Ejercito ang dati niyang kasamahan sa senado na si Sen. Sherwin Gatchalian kaugnay ng nasabing mga kaganapan. (Daris Jose)

Other News
  • PRIDE FESTIVAL, MATAGUMPAY NA NAIDAOS SA QUEZON CITY

    MATAGUMPAY na naidaos ang Pride Festival ngayong taon na ginanap sa Quezon Memorial Circle nitong nakaraang Sabado.     Ayon sa ulat ng Quezon City local government unit, umabot sa 110, 752 na myembro ng LGBTQIA+ ang dumalo sa nasabing pagdiriwang. Ang nasabing bilang ay ayon na rin sa foot traffic data na nairecord ng […]

  • Pagdalo ni PBBM sa libing ni Pope Francis hakbang ng malalim na paggalang mula sa mga Pilipino

    INIHAYAG ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang kanyang pagdalo sa libing ni Pope Francis sa Vatican ay isang kilos ng malalim na paggalang sa ngalan ng Pilipinas. Ayon sa kanya, nirepresenta niya ang bawat Pilipino na nais maipaabot ang kanilang pagdadalamhati. Kasama ng Pangulo ang 170 world leaders sa libing na dinaluhan ng tinatayang […]

  • Mukhang nalalapit na ang engagement proposal: ARJO, looking forward na i-celebrate ang mga susunod pang birthday ni MAINE

    MULING ipinakita at ipinagmalaki ni Arjo Atayde ang pagmamahal sa kanyang girlfriend na si Maine Mendoza na nag-celebrate ng 27th birthday last Thursday, March 3.     Sa IG post ng award-winning actor ng kanilang photo ng Phenomenal Star, nilagyan niya ito ng sweet caption: “Mahal na mahal kita… looking forward to celebrating all your birthdays with you! Happy Happy Birthday, Baba.”   […]