Malakanyang, hindi kontra sa naging hakbang ng Kongreso hinggil sa paghahain nito ng Bayanihan 3
- Published on February 16, 2021
- by @peoplesbalita
NILINAW ng Malakanyang na hindi ito kontra sa inihaing Bayanihan 3 bill na inisyatibo ni House Speaker Lord Allan Velasco kaugnay ng patuloy na pagtugon ng pamahalan sa COVID 19.
Ayon ay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang ipinupunto lamang nila ay dapat lang masiguro kung may pangangailangan ba talaga para sa ikatlong Bayanihan.
Ang katwiran ni Sec. Roque ay mayroon pa naman kasing natitirang 25 porsiyento sa Bayanihan 2 habang may napagkukunan pa ring pondo sa stimulus package na nakapaloob sa 2021 budget.
Sa katunayan ay nagpapasalamat nga sila sa Mababang Kapulungan kaugnay ng nasabing inisyatibo gayung sakali mang kailanganin na ang Bayanihan 3 ay naririyan lang aniya ito at maaaring gamitin para sa patuloy na pagtugon sa pandemya.
“Well, let me clarify, we’re not actually rejecting it, we’re thankful that it was filed because it is a policy initiative that we may have to resort to.But right now, we’re not sure if we should implement it yet because number one, 25% of Bayanihan 2 still has to be spent and number two, of course, we have trillions of pesos in stimulus package embedded already in the 2021 Budget,” ayon kay Sec. Roque.
“What we’re saying is we’d like to thank Congress for this initiative because when and if we need to tap it, certainly we will resort to Bayanihan 3,” dagdag na pahayag nito.
Ang House Bill 8628 o ang Bayanihan 3 bill ay nagkakahalaga ng 420 billion pesos na di hamak na mas malaki sa pondong inilaan sa Bayanihan 2 na nasa 140 billion pesos habang hinugot naman ang Bayanihan 1 sa 2020 national budget na pumalo sa 77.89 billion pesos. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Bagong Omicron variant na Arcturus, hindi dahilan ng muling pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 – expert
BINIGYANG linaw ng isang eksperto na hindi ang Omicron subvariant XBB.1.16 o mas kilala bilang Arcturus variant ang dahilan ng muling pagtaas ng bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa. Sa isang pahayag ay sinabi ng infectious diseases expert na si Dr. Edsel Salvana na walang katotohanan na ito ang dahilan […]
-
DOTR: GAOR ng PMVICs IHINTO MUNA!
“Hold in Abeyance” yan ang order ng DOTr sa LTO at “conduct immediate and exhaustive review of the policy”ng GAOR. Pero hindi kusang loob pinahinto ito ng DOTr. Ito ay matapos ng sunud-sunod na batikos buhat sa mga motoristang apektado at maging mga transport groups tulad ng 1- UTAP. Nagpahayag din ang ilang mga […]
-
Granular lockdown sa NCR mahigpit na ipatutupad ng PNP
Todo bantay at mahigpit na tutulong ang Philippine National Police (PNP) sakaling magpatupad ng mga ‘granular lockdowns’ ang mga local government unit (LGU) sa buong Metro Manila matapos na isailalim na ito sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ),ayon kay PNP Chief P/Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar. Una rito, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority […]