• December 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, hindi kukunsintihin ang mga indibidwal na nag-LGU hopping para magpa-booster shot

TINIYAK ng Malakanyang na hindi nila kailanman kukunsintihin ang mga taong nag-LGU hopping para makakuha ng booster shot.

 

Ani Sec. Roque, marami pang hindi nababakunahan bukod pa sa illegal ang ganitong hakbang.

 

“So ang pakiusap natin, lahat naman ng bakuna ay nagbibigay proteksiyon, so hintayin muna natin magkaroon ng bakuna ang karamihan ng ating mga kababayan bago tayo mag-booster shot,” anito.

 

“Ulitin ko po ha, ang bakuna lang talaga ang  magiging dahilan para matapos na itong pandemyang ito. Hayaan na muna nating magkaroon ng population protection ang lahat bago tayo mag-booster shots,” giit ni Sec. Roque.

 

Sa ulat, dalawang indibidwal ang sinampahan ng kaso ng Quezon City government matapos na magpaturok ng boosters shots kahit pa fully vaccinated na sila laban sa COVID-19.

 

Ayon kay City. Attorney Orlando Paolo Casimiro, ang naturang mga indibiduwal na hindi pinangalanan ay kinasuhan dahil sa paglabag sa city ordinance SP3032 s-2021, o  “An Ordinance Prohibiting COVID-19 Vaccine Fraud.”

 

“The complaints have been sworn into the Office of the City Prosecutor to send a strong message that the City Government takes the vaccination and other pandemic-related programs very seriously,” ani Casimiro.

 

“In essence, these people are stealing the vaccines which could save the lives of ­others, not to mention making a mockery out of the efforts of our frontline workers. We will make sure that once proven, these individuals will be punished accordingly to the fullest extent of the law,” aniya pa.

 

Ang mga violators ay maaari umanong pagmultahin ng P5,000 at/o pagkabilanggo ng hindi bababa sa isang buwan at hindi lalampas sa anim na buwan, o multa at pagkabilanggo depende sa diskresyon ng hukuman.

 

Nabatid na ang isa sa kinasuhang indibidwal ay nakatanggap na ng dalawang doses ng Sinovac vaccine sa Mandaluyong City noong Mayo 10.

 

Sa kabila nito, nagpaturok pa umano ito ng Moderna vaccine sa Quezon City nitong nakaraang linggong.

 

Samantala, ang isa pa ay nakatanggap naman ng dalawang dose ng Sinovac sa isa sa mga vaccination centers ng lungsod at saka tumanggap muli ng ikatlong dose naman na Pfizer vaccine.

(Daris Jose)

Other News
  • VILMA, kumpirmadong sa Senado na tatakbo at sa Congress naman si RALPH; palit-puwesto pag parehong nanalo

    EMOSYONAL si Andi Eigenmann dahil ang panganay niyang anak na si Ellie Ejercito ay mawawalay na naman sa kanya.     Ang set-up talaga ni Ellie, either nasa Manila kunsaan, kasama niya ang ama na si Jake Ejercito or nasa Siargao ito kasama si Andi at ang mga kapatid niya rito.     After ng […]

  • EMERGENCY CASH LANES sa TOLLWAYS PANATILIHIN HANGGA’T WALA PANG INTER-OPERABILITY ang AUTOSWEEP at EASYTRIP

    Malapit na ang deadline ng DOTr at TRB sa cash transaction sa mga tollways pero marami pa ring problema sa RFID ang nararanasan ng mga motorista. Hindi pa rin masiguro kung mapag-iisa ang sistema ng Autosweep at Easytrip at ‘baka’ sa June 2021 pa raw ito pero ‘kung’ makikipag-cooperate ang dalawang malalaking negosyo na Autosweep […]

  • DFA binulabog ng bomb threat

    NAUWI sa tensyon ang pagbubukas pa lamang ng mga tanggapan sa Department of Foreign Affairs (DFA) nang mabulabog sa natanggap na bomb threat, sa Pasay City, kahapon ng umaga.     Kaniya-kaniyang labasan sa mga opisina ang mga kawani hinggil sa sinasabing nakatanim na bomba sa gusali ng DFA.   Natanggap ang ulat alas-7:00 ng […]