• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, hinikayat ang mga Pinoy na suportahan si VP Elect Sara Duterte

HINIKAYAT ng Malakanyang ang mga Filipino na suportahan si Vice President-elect Sara Duterte na nanumpa bilang pang-15 bise-presidente ng bansa, araw ng Linggo, Hunyo 19.

 

 

“We once again express our deep gratitude to the Filipino people for the trust and support they have given to the Vice President-elect,” ayon kay acting presidential spokesperson Martin Andanar.

 

 

“Let us stand behind Vice President-elect Duterte and all other newly elected leaders as they embark on the responsibilities and challenges of their offices and fulfill their mandate of delivering genuine change to our beloved country,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Duterte na magiging maiksi lamang ang kanyang inauguration speech dahil na rin sa “unpredictability” na panahon.

 

 

Aniya, ang kanyang magiging talumpati ay “just be [about] rallying the entire country to what we should do and focus on.”

 

 

Ang inagurasyon ni Duterte ay naganap gawin sa balwarte ng kanyang pamilya, sa Davao City.

 

 

Nanumpa si Duterte bilang pang-15 bise-presidente ng bansa sa harap ni Supreme Court Associate Justice Ramon Paul Hernando.

 

 

Ang inagurasyon ay idinaos sa San Pedro Square simula alas-3 ng hapon at nagtapos ng alas-11 ng gabi.

 

 

Dumalo ang kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte, at running mate na si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

 

 

Ang event ay nagsimula sa pamamagitan ng thanksgiving Mass ng alas- 3 ng hapon sa San Pedro Cathedral na dadaluhan ni Archbishop Romulo Valles.

 

 

Sinundan ito ng inaugural ceremony ng alas- 4:30 ng hapon sa stage area.

 

 

Isang musical concert naman ang nagpuno sa event. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Unity’ tema ng 19th Congress

    UNITY  o pagkakaisa ang magiging tema ng 19th Congress sa pagpasok ng bagong administrasyon, ayon kay Majority Leader at 1st District Leyte Rep. Martin Romualdez na number 1 contender sa House Speakership.     Ginawa ni Romualdez ang pahayag bilang reaksyon sa pakikipagkamay ng pamangkin nito na si Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos […]

  • ONE Championship magbabalik sa Manila

    Ang ONE Championship ay nakatakdang magbalik sa Maynila nang may kalakasan, na gaganapin ang kauna-unahang double-header card ng bansa sa Disyembre 3 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.   Ang unang live event ng Singapore promotion mula nang magsimula ang pandemya, ang ONE ay magtatanghal ng hindi isa kundi dalawang palabas para sa […]

  • Isaiah 7:14

    A virgin shall be with child, and shall bring forth a son.