• April 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, ipinag-utos ang suspensyon ng pagtataas sa insurance premiums ng PhilHealth, pagtataas sa sahod

IPINAG-UTOS ni Pangulong  Ferdinand Marcos, Jr. ang suspensyon ng bagong premium contribution rates ng  Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at ang  income ceiling para ngayong taon ng  2023.

 

 

Ang katuwiran ni Executive Secretary Lucas Bersamin, patuloy pa rin kasing nakikipagpambuno ang mga Filipino sa mga economic challenges sanhi ng  COVID-19 pandemic.

 

 

Base sa dokumentong ipinalabas sa mga mamamahayag, sinabi ni  Bersamin na gusto ni Pangulong Marcos na suspendihin ang nakatakdang pagtataas sa  premium rate  ng PhilHealth mula  4% ay magiging  4.5% na.

 

 

Sa joint statement, kapuwa welcome naman sa  Department of Health (DOH) at PhilHealth ang desisyon ni Pangulong Marcos.

 

 

“The DOH and PhilHealth recognize the suspension is intended to help our kababayans cope with the increasing prices of commodities caused by inflation,” ayon sa DoH at PhilHealth.

 

 

Ang paliwanag ng  DoH, ang  premium contributions ay kinokolekta ng  PhilHealth para tustusan ang ekspansyon o  pagpapalawak sa benepisyo alinsunod sa  Universal Health Care law.

 

 

Idinagdag pa nito na ang pagbabago sa  premium schedules ay  “synched with planned benefit roll-outs.”

 

 

Hangad din aniya ng Chief Executive Marcos na i- block ang pagtataas sa salary ceiling mula  ₱80,000 na magiging ₱90,000.

 

 

“In light of the prevailing socioeconomic challenges brought about by the COVID-19 pandemic, and to provide financial relief to our countrymen amidst these difficult times, please be informed that the President has directed the PhilHealth to suspend the abovementioned increase in premium rate and income ceiling…,” ang nakasaad sa dokumento.

 

 

Ang kautusan ay tinintahan ni  Bersamin at naka- addressed kina Department of Health Officer In Charge Maria Rosario Vergeire at PhilHealth Acting President and CEO Emmanuel Ledesma, Jr. (Daris Jose)

Other News
  • 10 kilo ng marijuana huli ng PDEA sa terminal ng bus sa Kyusi

    ARESTADO ang isang lalaki matapos na kunin nito ang pinadalang sa kanya na package sa isang terminal ng bus sa Cubao Q.C. Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang naaretsong lalake na si Karlo Jose Pio Ricafrente tubong Albay pero naninirahan ngayon sa Maynila.   Ayon sa PDEA matagal na nila isinailalaim sa surveillane […]

  • PAOLO, dinipensahan ang sarili sa nag-i-insist na higit three days sa Baguio City; may hamon sa mga nagpa-picture

    DAHIL nga sa “as a friend” na statement ni Paolo Contis, sa kabila na si LJ Reyes ay mukhang ginagawa ang mga puwedeng ways para makapag-moving on siya sa New York, hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ang isyu nila.     Kasama ang mga memes ng ‘as a friend’ at ang pag-i-insist ng mga […]

  • EXHIBITION FIGHT NINA HATTON AT BARRERA TULOY NA SA HUNYO

    KINUMPIRMA ni retired boxing champion Ricky Hatton na ito ay magkakaroon ng exhibition match kay Marco Antonio Barrera.     Gaganapin aniya ang laban ng dalawa sa Hunyo 2 sa AO Arena sa Manchester, England.     Ang laban ay nakatakda sanang ganapin noong Pebrero subalit ito ay hindi natuloy.     Sa kanyang social […]