• September 24, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, ipinaubaya na sa Kongreso ang isyu ng party-list system

IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Kongreso ang pagtugon sa concerns ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ukol sa party-list system.

Napaulat na ipinanawagan ni Pangulong Duterte ang abolisyon ng party-list system bunsod ng concerns na pinalulusot ng sympathizers ng communist rebels.

May ilang mambabatas sa kabilang dako ang nagpahayag na mas magiging madali na amiyendahan ang party-list law sa halip na -rewrite o muling isulat ang 1987 Constitution, na may mandatong sectoral representation sa Kongreso.

“We defer to the wisdom of Congress. Hindi naman po nagli-legislate ang Presidente. If that is the solution of some senators, number one, of course it has legal basis; number two it would still depend on them,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Sinabi ni Bayan Muna party-list Representative Ferdinand Gaite noong nakaraang linggo na ang abolition ay magreresulta ng “crackdown of representation for the poor and marginalized.”

Si Gaite ay miyembro ng Makabayan bloc of lawmakers kung saan inakusahan ni Pangulong Duterte na may kaugnayan sa rebeldeng komunista.

Sa kasalukuyan, nakatutok ang Mababang Kapulungan ng KOngreso sa pag-amiyenda ng “restrictive” economic provisions ng Constitution na naglalayong gawing mas “attractive” ang Pilipinas sa foreign investors.

Hinikayat naman ni Senator Panfilo Lacson ang Malakanyang na maging “a little bit more creative in accomplishing that objective without opening the floodgate to possibly tinker with the Constitution in its entirety.”

Sinabi naman ni House constitutional amendments committee chairperson Alfredo Garbin na hindi nila tatalakayin ang political sections ng charter ng bansa sa gitna ng espekulasyon na ang inisyatiba ay maaaring maging daan ng term extension para sa mga elective officials. (Daris Jose)

Other News
  • Bago o mataas na buwis tinitingnan para bayaran ang utang ng Pinas

    SA NATITIRANG limang buwan na lamang sa tanggapan, ipinanukala ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ang bago o mataas na buwis para mabayaran ang foreign debts ng Duterte administration na ginamit para tugunan ang COVID-19 pandemic.     “We are very confident that 2022 will be the year that we will return to normalcy,” ayon […]

  • Nagmistulang fan si Andrea at natupad ang wish: BEA, puring-puri ni DENNIS at iba pang co-stars sa serye

    IBANG klase rin ang pagtingin ng mga Kapuso sa New Generation Movie Queen na si Bea Alonzo.   Talagang todo max ang pagpuri kay Bea ng kanyang mga co-stars sa bagong GMA Primetime series na “Love Before Sunrise.”   Si Andrea Torres ay nagmistulang fan na fan ni Bea na aminadong nang malaman na Kapuso […]

  • Red alert mananatili hanggang sa susunod na linggo – DOE

    Mananatiling nasa red alert ang Luzon grid sa susunod na linggo pero inaasahan ng Department of Energy (DOE) na walang magaganap na rotational brownouts sa Luzon hanggang sa katapusan ng Hunyo.     Sinabi ni Electric Power Industry Management Bureau director Mario Marasigan na kapag walang makakapasok na planta ngayong linggo hanggang sa susunod na […]