Malakanyang, ipinaubaya sa Comelec ang desisyon
- Published on November 11, 2020
- by @peoplesbalita
IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Commission on Elections (Comelec) ang pagdesisyon hinggil sa panukalang palawigin ang mail voting sa 2022 presidential elections.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, kinikilala nila ang Comelec bilang constitutional body na may atas na ipatupad ang batas at regulasyon sa pagdaraos ng eleksyon sa bansa.
Sa ulat, isinusulong kasi ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon ang mail voting para sa halalan 2022.Ang katwiran ni Guanzon ay mas maraming makaboboto kung gagawin ang mail voting.
Ginawang halimbawa pa ni Guanzon ang ginawa sa Estados Unidos.
“We respect that recommendation coming as it does from a legal luminary within the Comelec and under the Constitution it is tasked of course with the supervision and conduct of elections,” ayon kay Sec. Roque
“Pero ang hindi ko lang po sigurado kung kinakailangan pang maamyendahan iyong Omnibus Election Code para ma-include iyong mail voting. Pero we leave that to the wisdom of the Comelec,” dagdag na pahayag nito.
Kaugnay nito, hindi naman sang-ayon ang liderato ng Senado na ipatupad sa bansa ang ‘mail-in votes’ na ginawa sa US elections.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, ito raw ang pinakamabilis na sistema para makapandaya sa botohan.
Giit ni Sotto, maraming mga katanungan kung papaanong ipatutupad ang mail in votes, gaya ng tanong kung saan ipadadala ang boto, sa post office ba? kailan ito bibilangin, at higit sa lahat sino ang magbibilang nito.
Pagdidiin pa ni Sotto, papaano kung may mag-leak na resulta ng botohan, dahil lahat ani Sotto ng paraan para makapandaya ay pwedeng gawin.
Magugunitang ayon kay Senadora Imee Marcos, chair ng Committee on Electoral Reform ng Senado na masalimuot ang pagbabago ng proseso ng eleksyon, dahil posible itong mauwi sa kawalan ng tiwala ng publiko.
Samantala, hinikayat naman ni Sec. Roque ang mga eligible na mga Filipino na magpartisipa sa voters’ registration para sa May 2022 national at local elections.
Ang registration period, na inorganisa ng poll body, ay hanggang Setyembre 30, 2021.
“Well, hinihikayat po natin ang lahat na pupuwede nang magrehistro, magrehistro po kayo at pagdating po ng halalan sa Mayo 2022 dapat po lumabas at bumoto dahil ito po’y obligasyon natin sa ating inang bayan,” ayon kay Sec. Roque. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Mga ospital sa Metro Manila, humirit pa ng bakuna
Dahil sa patuloy na pagtaas ng kumpiyansa sa bakuna, humihingi na rin ang mga empleyado ng East Avenue Medical Center sa Quezon City ng karagdagang Sinovac vaccine. Ayon kay Dr. Dennis Ordoña, Spokesperson ng naturang ospital, mas dumami na ang mga health workers ang nais ngayon magpabakuna makalipas ang tatlong araw na vaccine […]
-
Imbestigasyon sa naudlot na town hall pres’l at vice pres’l debate, tatapusin ngayong linggo – COMELEC
TARGET ng Commission on Elections (COMELEC) na makumpleto ang imbestigasyon sa panghuli na sanang presidential and vice presidential debate ngayong April 23 at 24 na kapwa town hall format, ngunit ipinagpaliban sa susunod na linggo. Kaugnay ito ng kabiguan ng kanilang partner na Impact Hub na bayaran ang Sofitel Plaza na siyang ginamit […]
-
McCOY, pinahanga ang mga nakapanood sa husay bilang teen YORME
NATULOY ang premiere night ng Yorme: The Isko Domagoso Story last Tuesday pero sa January na ito magbubukas sa mga sinehan. Si Mayor Isko mismo ang kumausap sa producers na next year ipalabas. Gusto niya mas maraming youth and young adults ang makapanood at ma-inspire sa kwento ng kanyang buhay na sa kasalukuyan […]