• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, isinapubliko ang priority population groups

ISINAPUBLIKO ng Malakanyang ang priority population groups para sa inihahandang pagbabakuna laban sa Covid -19 ngayong buwan.

 

In-adopt ng Interim National Immunization Technical Advisory Group (INITAG) ang mga sumusunod na priority population groups para sa gagawing pagbabakuna.

 

Ito ay ang mga sumusunod:

A1: Frontline workers sa mga health facilities kapwa national and local, private and public, health professionals and non-professionals like students, nursing aides, janitors, barangay health workers, etc.
A2: Senior citizens aged 60 years old and above
A3: Persons with comorbidities not otherwise included in the preceding categories
A4: Frontline personnel in essential sectors including uniformed personnel and those in working sectors identified by the IATF as essential during ECQ
A5: Indigent population not otherwise included in the preceding categories
B1: Teachers, Social Workers
B2: Other Government Workers
B3: Other essential workers
B4: Socio-demographic groups at significantly higher risk other than senior citizens and indigenous people
B5: Overseas Filipino Workers
B6: Other Remaining Workforce
C: Rest of the Filipino population not otherwise included in the above groups

 

Binigyang diin ng INITAG na ang anumang tiyak na inclusion at exclusion criteria ng bawat bakuna, na makikita sa kani-kanilang Emergency Use Authorization of the Food and Drug Administration, o rekomendasyon mula sa Health Technology Assessment Council ay kailangan ikunsidera.

 

Sa pagpili ng lugar para sa sub-prioritization, ibabase ito sa “(1) COVID-19 burden of disease (these are the current active cases, attack rate per 100,000 population in the past 4 weeks, and population density); and (2) vaccination site and/or Local Government Unit readiness, particularly, its supply chain capability.”

 

Hinggil naman sa alokasyon ng first tranche ng Pfizer BioNTech vaccine para sa healthcare workers, ito ay allocation framework gaya ng sumusunod: “a) all the COVID-19 dedicated hospitals, b) COVID-19 referral hospitals, c) DOH-owned hospitals, d) LGU hospitals, e) hospitals for uniformed services/personnel, and f) private hospitals. ” (Daris Jose)

Other News
  • Higit 1.2 milyong doses ng COVID-19 vaccine, naiturok na sa Quezon City

    Iniulat kahapon ng Quezon City government na umabot na sa 1,257,658 doses ng CO­VID-19 vaccines ang naiturok nila sa mga residente sa ilalim ng #QCProtekTODO Vaccination Program, healthcare wor­kers, staff at mga volunteers, hanggang alas-8:00 ng umaga nitong Linggo, Hulyo 25, 2021.     Anang lokal na pamahalaan, sa kabuuan ay 776,569 na ang mga […]

  • Mister na wanted sa multiple heinous crimes sa Valenzuela, tiklo

    LAGLAG sa selda ang isang lalaki na wanted sa multiple heinous crimes matapos masakote ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Valenzuela City.     Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) ActinG Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban na nakatanggap sila ng impormasyon na naispatan sa Paso […]

  • Psalm 34:8

    The Lord is good.