• May 16, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, itinanggi na smuggled at illegal ang covid 19 vaccine na itinurok kay PDu30

ITINATWA ng Malakanyang na smuggled at illegal ang COVID-19 vaccine na itinurok kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

Sinasabing di umano’y hindi pa clear ang bakuna na mula sa Chinese state firm Sinopharm sa emergency use sa bansa.

 

“The vaccine from Chinese state firm Sinopharm that Duterte took on Monday is “covered by compassionate use,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Matatandaang noong Pebrero, ang Philippine drug regulator ay nagbigay sa security team ng compassionate use license para sa 10,000 Sinopharm shots.

 

Bilang commander-in-chief ng Armed Forces of the Philippines, “entitled” si Pangulong Duterte na gumamit ng nasabing bakuna.

 

“As far as the President is concerned, he did not violate any laws,” aniya pa rin.

 

Ang bakuna na natanggap ni Pangulong Duterte ay bahagi ng karagdagang 1,000 doses na idinonate ng China.

 

“Hindi po smuggled ang ginamit ng Presidente dahil ito po ay donated ng Chinese government,” pagtiyak ni Sec.Roque.

 

Kaagad namang dumalo sa pulong si Pangulong Duterte matapos mabakunahan at hindi naman ito nakaranas o nakaramdan ng kahit na anumang reaksyon mula sa bakuna.

 

Samantala, sinabi naman ng Food and Drug Administration (FDA) ng Pilipinas na ang Sinopharm’s COVID-19 vaccine na itinurok kay Pangulong Duterte ay covered ng compassionate use permit (CSP) na ipinalabas ng ahensiya noong Pebrero.

 

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, ang limited use permit ay ipinagkaloob sa Presidential Security Group (PSG) bago pa dumating ang bakuna sa bansa.

 

“Ito ‘yung hiningi ng PSG dati bago pa dumating ang mga bakuna dito sa Pilipinas. Mayroon silang donation from China at hiningan ito ng special permit para nga maprotektahan ang Presidente at mukhang ‘yun din po ang ginamit sa ating pangulo kagabi,”  ayon kay Domingo.

 

Ang CSP ay pinapayagan para sa limited use ng investigational drugs o unregistered drugs. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Valenzuela, unang lungsod sa Pilipinas na nag-deploy ng 41 electric vehicles

    BILANG katuparan ng layunin ng environmental initiative nitong ‘Go Green Valenzuela,’ at sa pagsisikap na patatagin ang kapayapaan at kaayusan sa lungsod, ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ay nagturnover ng 41 electric vehicles (EV) para magamit ng Valenzuela City Police Station at iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan. Kasabay nito, pinasinayaan din ng lungsod ang bago […]

  • 17 drug suspects timbog sa buy bust sa Caloocan, Malabon, Valenzuela

    MAHIGIT sa P.7 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa 17 hinihinalang drug personalities, kabilang ang 15-anyos na dalagita na na-rescue sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan, Malabon at Valenzuela Cities.     Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, ala-1:50 ng madaling araw nang magsagawa […]

  • Jim Carrey Returns for Dr. Robotnik’s Revenge in ‘Sonic the Hedgehog 2’

    SONIC’S archenemy is back!     For Jim Carrey, the role of Dr. Robotnik in Paramount Pictures’ comedy adventure sequel Sonic the Hedgehog 2 provided the opportunity to return to his legendary film comedy roots.     He says, “Robotnik hit the absurd energy that people really love – and the vibe of films like Ace Ventura: Pet […]