Malakanyang, kinondena ang pagpatay kay Mayor Aquino
- Published on March 11, 2021
- by @peoplesbalita
KINONDENA ng Malakanyang ang nangyaring pagpatay kay Calbayog City, Samar province Mayor Ronald Aquino.
Ang pangamba ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay simula na ito ng political violence bunsod ng papalapit na 2022 elections.
“Kinukondena po natin iyan dahil ang karapatang mabuhay po ay ang pinakaimportanteng karapatan. Nanunumbalik po kami at naalarma na dahil isang mayor po ang pinatay baka ito’y simula na naman ng patayan dahil sa pulitika sa panahon na papalapit na ang eleksyon,” ayon kay Sec. Roque.
“Ang demokrasya po, tao po ang humahalal at ang ating panawagan, hayaan po nating maghalal ang taumbayan sa pamamagitan ng pagpili ng sa tingin nila ang pinakaepektibong mga mamumuno. At saka itong political violence po has no place in a democracy. Kinukondena po natin iyan,” dagdag na pahayag ni Sec Roque.
Sa ulat, napatay sa pakikipagbarilan di umano sa mga pulis ang alkalde ng Calbayog City, Samar na si Aquino.
Sinabing bukod sa alkalde, nasawi rin ang kanyang driver at security escort.
Isa pang pulis ang nasawi, at isa naman ang nasugatan.
Sa imbestigasyon, sakay ng van ang alkalde at mga kasama at inakala nilang sinusundan sila ng isa pang sasakyan.
Pinaputukan umano ng grupo ng alkalde ang mga sakay ng nakasunod na sasakyan na mga pulis pala.
Gumanti ng putok ang mga pulis na naging dahilan ng pagkamatay ng alkalde at tatlong iba pa.
Sa Facebook post ni Samar Representative Edgar Mary Sarmiento, sinabi nito nangyari ang insidente sa Laboyao Bridge sa Barangay Lonoy.
Natadtad umano ng bala ang van ni Aquino.
Sa ulat, sinabing iniutos ni PNP chief Police General Debold Sinas sa regional police office ng Eastern Visayas na imbestigahan ang insidente. (Daris Jose)
-
LeBron James muling ininda ang injury kaya ‘di makakapaglaro vs sa Nuggets
Hindi makakapaglaro si Los Angeles Lakers star LeBron James sa laban nila ng Denver Nuggets ngayong Martes May 4 dahil sa right ankle injury. Natamo nito ang injury noon pang Marso 20 at hindi nakapaglaro ng 20 games. Nagbalik ito sa paglalaro nitong Biyernes kung saan magkasunod silang natalo ng Sacramento […]
-
Angara, nangako na aayusin ang sahod, work conditions ng mga guro
SINABI ni incoming Education Secretary Juan Edgardo Angara na kabilang sa kanyang prayoridad ay ang ayusin ang benepisyo ng mga guro at nangakong itutulak na bigyan ng umento ng sahod ng mga ito. Tututukan din ni Angara na gawing simple ang curriculum at ayusin ang kalidad ng teaching at working conditions ng […]
-
Rizal Province, Top 1 Most Competitive Province in the Philippines for 5 consecutive years!
Congratulations Rizal Province for being the Top 1 Most Competitive Province in the Philippines for 5 consecutive years! Malugod ding pagbati sa Antipolo City na tinanghal sa pangatlong pagkakataon na Top 1 Most Competitive Component City in the Philippines at sa Cainta at Taytay bilang Top 1 at Top 2 Most Competitive Municipalities (first-second class) […]