Malakanyang, kumpiyansa sa mahigpit na pagpapatupad ng curfew ng mga nasa LGU
- Published on March 19, 2021
- by @peoplesbalita
NAKASALALAY na sa Local Government Units (LGUs) ang ikapagtatagumpay ng ipinatutupad na unified curfew hours na ang layunin ay mapababa ang numero ng mga tinatamaan ng COVID 19.
Umaarangkada na kasi ngayon ang dalawang linggong unified curfew hours na 10pm to 5am sa buong NCR.
Sinabi ni Presidential Spokesperson HarryRoque na ang LGU naman ang nagpapatupad ng mga polisiyang binubuo ng IATF para huwag ng tumaas pa at mapigilan ang naitatalang pagsipa pa sana ng virus.
Ang mga ito rin ang may kapangyarihan na magdikta ng mga regulasyong nabubuo ng Inter-Agency Task Force (IATF) .
“binabalanse po talaga natin iyong pagkakaroon ng hanapbuhay doon sa pagkukontrol ng paglaganap pa ng coronavirus at suportado naman po iyan ng IATF dahil iyan po talaga ay katungkulan din ng LGU,” ang pahayag ni Sec. Roque.
“Sila naman po ang nagpapatupad ng mga polisiya na binubuo ng IATF para mapababa itong mga numerong ito at sila po iyong may kapangyarihan din na magdikta ng ganitong mga regulasyon,” aniya pa rin.
Samantala, walang kapangyarihan ang IATF na magpataw ng anomang direktiba sa mga Local Government Units base na din sa isinasaad ng local government code.
“Dahil ang IATF naman po ay walang ganiyang kapangyarihan na nakasaad po sa local government code,” giit ni Sec. Roque.
-
P1.5 bilyong counterfeit items, nasamsam ng BOC
NAKUMPISKA ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC), sa pamamagitan ng Customs Intelligence and Investigation Service-Intellectual Property Rights Division (CIIS-IPRD), ang iba’t ibang counterfeit goods na tinatayang nagkakahalaga ng P1.5 bilyon, sa isinagawang operasyon sa Pasay City kamakailan. Armado ng Letters of Authority (LOA) na inisyu ni BOC Commissioner Bienvenido Rubio, ininspeksiyon […]
-
Pagpunta sa indoor religious gatherings, nagsisiksikang mall at tiangge…mga high risk activities ngayong holiday season – Malakanyang
PINAALALAHANAN ng Malakanyang ang publiko ukol sa inihahandang contingency plan ng Department of Health ngayong holiday season. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, mas mabuti nang maging maagap lalo’t ang panahon ng Kapaskuhan ay isang masayang okasyon sa Pilipinas kung saan marami ang pagtitipon, pagkikita-kita at reunions ng mga miyembro ng pamilya at mahal […]
-
Sesyon nina Velasco tinawag na ‘peke, circus’ ni Cayetano
LABIS na panglalapastangan umano hindi lamang sa House rules kundi maging sa Saligang Batas ang ginawang sesyon ng kampo ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco para palitan ang liderato ng Kamara. Ayon kay Speaker Alan Peter Cayetano, nilabag din daw ng mga kaalyado ni Velasco ang safety protocols na inilatag ng Inter-Agency Task Force […]