Malakanyang, mahigpit na naka-monitor sa bagyong Maring
- Published on October 13, 2021
- by @peoplesbalita
MAHIGPIT na naka-monitor ang Malakanyang sa nagpapatuloy na operasyon sa Tropical Storm Maring habang patuloy itong kumikilos palabas ng Northern Luzon.
Ang rescue personnel at teams mula sa local government units ay nasa lugar upang ang lahat ng requests para sa rescue at assistance ay kaagad na maaksyunan ng lahat ng may kinalaman na ahensiya.
Ang suporta mula sa Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, Philippine National Police at Bureau of Fire Protection ay pnakilos na rin at itinalaga.
“As of October 12, 2021, 6AM, 465 families or 1, 585 persons in Regions 2 and 8 have been pre-emptively evacuated,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.
“As of October 10, 2021,” ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay mayroong mahigit na P128-M Standby Funds.
Idagdag pa rito ang 373, 737 na available na Family Food Packs na nagkakahalaga ng mahigit sa P219-M.
Ang suplay ng kuryente at tubig ay muling naibalik habang ang clearing operations sa mga lansangan ay nagpapatuloy sa mga apektadong lugar ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
“We ask the public to continue to take precautionary measures, observe minimum public health standards, and cooperate with their respective local authorities in case of an evacuation,” ang panawagan ng Malakanyang. (Daris Jose)
-
Inflation pinakamataas simula Nobyembre 2018 matapos sumirit sa 6.1%
NAITALA nitong Hunyo ang pinakamabilis na pagtaas ng presyo ng bilihin sa Pilipinas sa nakalipas na 44 buwan matapos tumalon sa 6.1% ang inflation rate kasabay ng sunud-sunod na oil price hikes, pagtataya ng Philippine Statistics Authority (PSA). Ito’y matapos nitong maungusan ang 5.4% inflation rate na naitala nitong Mayo, na noo’y pinakamataas […]
-
Teaser ng horror film ni JULIA, pinusuan at kinatakutan ng netizens; ANGELI, muling magpapa-init sa pagpapa-silip ng alindog
INI-RELEASE na ang official teaser ng horror film na ‘Bahay Na Pula’ na pinagbibidahan ni Julia Barreto, kasama sina Xian Lim, at Marco Gumabao na mula sa Viva Films at Center Stage Productions. Mula ito sa award-winning director na si Brillante Mendoza at sa teaser ay marami na ang nagandahan at ‘yun iba […]
-
Legendary golfer Kathy Withworth pumanaw na 83
Pumanaw na ang legendary golfer na si Kathy Whitworth sa edad 83. Kinumpirma ito ng Ladies Professional Golf Association ng US ang pagpanaw ng award-winning golfer. Ayon sa LPGA na bigla na la mang itong nalagutan ng hininga haban nagdiriwang ng kapaskuhan. Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye […]