Malakanyang, nakakakita na ng barometro sa pagbangon ng ekonomiya ng Pilipinas
- Published on June 12, 2021
- by @peoplesbalita
NAKAKITA na ang Malakanyang ng isang barometro o senyales na bumabangon na ang ekonomiya ng bansa.
Ito’y matapos manguna ang Pilipinas sa iba pang bansa sa Asya sa aspeto ng pag e- export nitong Abril.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque gamit ang datos ng Philippine Statistics Authority na tumaas ang export ng bansa sa buwan ng Abril na umabot sa 72. 1 percent.
Mula sa 3.32 billion dollars noong Abril nang nakaraang taon ay umakyat ito ng 5.71 billion dollars ngayong April 2021.
Malinaw na nalampasan na ng Pilipinas ang Japan na nakapagtala ng 38% sa exports habang 32.3% naman ang nai- record ng China.
“Samantala, magandang balita naman po: Tumaas ang ating exports noong buwan ng Abril by 72.1% ayon po sa datos ng Philippine Statistics Authority,” ayon kay Sec. Roque.
“Ito ang pinakamataas sa mga ekonomiya sa Asya, nalampasan natin ang 38% ng Hapon at 32.3% ng bansang Tsina. Mula US, 3.32 billion noong April 2020, ito’y naging 5.71% billion ngayong April 2021. Ito ay matapos pinayagan natin ang one hundred percent operating capacity kahit na tayo ay nasa Enhanced Community Quarantine; hudyat ito ng pagbangon ng ating ekonomiya,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)
-
Roque, Guo iisa lang ruta sa pagtakas – BI
INILUTANG ng Bureau of Immigration (BI) ang posibilidad na iisa lang ang ruta na ginamit nina dating presidential spokesperson Harry Roque at Alice Guo sa paglabas ng bansa. Sa pagdinig ng Senate committee on human rights nitong Martes, sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na walang record na nakatala sa BI kaugnay sa paglabas ng […]
-
Velasco, nanumpa sa harap ni Pangulong Duterte bilang Speaker ng Kamara
NANUMPA si Speaker Lord Allan Velasco bilang pinuno ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa isang pribadong seremonya na idinaos sa Rizal Hall ng palasyo ng Malacanang, Lunes ng gabi. “Lubos po ang aking kagalakan at pasasalamat sa ating Pangulo na labis ko pong hinahangaan at iginagalang. Tinatanaw ko po […]
-
Rafael Nadal nahirapan kontra kay Jack Draper
Tatlo’t kalahating oras ang kinailangan ni Rafael Nadal bago nakumpleto ang 7-5, 2-6, 6-4, 6-1 win kay 21-year-old Jack Draper sa round 1 ng Australian Open nitong Lunes. Mukhang may kalawang pa ang Spaniard sa mga unang yugto ng paluan sa Rod Laver Arena pero nang makuha ang ritmo sa fourth set ay […]