• March 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, nanawagan sa PhilHealth na bayaran na ang lahat ng hospital claims

NANAWAGAN ang Malakanyang sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na bayaran ang lahat ng pagkakautang nito o ang mga claims ng mga pribadong ospital lalo pa’t marami sa mga ito ang nagkokonsidera na putulin ang ugnayan sa state insurer.

 

Sa katunayan, may tatlong hospital groups na ang nagkokonsidera na kumalas sa PhilHealth matapos na magpalabas ang state insurer ng circular na pansamantalang sinusupinde ang pagbabayad sa mga claims.

 

Pinatunayan lamang ng PhilHealth na ang ipinalabas nitong circular ay isang “fraud-control measure” matapos na imbestigahan ang ahensiya sa P153.7 bilyong pisong nawala o nalugi rito mula taong 2013 hanggang 2018.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kailangan lamang na bayaran ng PhilHealth ang lahat ng hospitals’ claims dahil ang naging banta ng mga osiptal na kakalas sa PhilHealth ay isang malinaw na makadidiskaril sa universal health care law.

 

Ang mga pribadong ospital ang nagbibigay ng bultong health care services sa bansa.

 

Makabubuti sa PhilHealth na imbestigahan ang claims sa halip na bantaan ang mga ospital na iba-blacklist.

 

“Ang gobyerno sa pamamagitan ng PhilHealth ang siyang bibili ng lahat ng medical goods and services kaya itong banta nila [private hospitals] na sila ay titigil na magbigay serbisyo at magdi-disengage sa PhilHealth, that has the potential of derailing the universal health care law,” anito.

 

“Ang panawagan ko sa PhilHealth, magbayad kayo ng mga dapat bayaran. Totoo, maraming ma-anomalyang mga claims. Ang dapat gawin diyan, litisin ang magsusumite ng mga fictitious claims at mga ma-anomalyang claims, ‘wag natin gamitin ‘yung blacklisting o ‘yung threat of blacklisting dahil hindi kakayanin ma-implement ang universal health care law na pang-gobyernong hospital lamang ang magbibigay ng serbisyo lalung lalo na sa panahon ng pandemya,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Samantala, tinawagan din ng pansin ni Sec. Roque  si PhilHealth President and Chief Executive Officer Dante Gierran na sibakin sa puwesto ang mga tiwaling opisyal na di umano’y sangkot sa maanomalyang hospital claims.

 

“Ang panawagan ko kay Atty. Gierran, bakit iisa pa lang ang natatanggal sa PhilHealth dahil sa mga anomalya, nag-resign pa? Ang ibig mo bang sabihin lahat ng mga anomalya sa nakalipas, eh narariyan pa rin lahat ng tao na responsable diyan at ni isang tao sa PhilHealth hindi dapat sibakin? Hindi kapani-paniwala ‘yan,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • Ugnayan ng Pinas-US, “stands on its own”- Amb. Carlson

    SINABI ni United States Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson na walang kinalaman ang anumang bansa lalo na ang China sa commitment ng Estados Unidos na suportahan ang Pilipinas. Ani Carlson, ang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at US ay  “stands on its own.” Sa isang panayam sa telebisyon, tinanong si Carlson ukol sa kung […]

  • Vulcanizing, talyer, carwash, dapat bang payagan sa mga pangunahing lansangan?

    MARAMING reklamo ang natatanggap ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) tungkol sa mga talyer, carwash, vulcanizing shops at iba pang katulad na negosyo na ginagawang “motorshop” ang mga bangketa at lansangan.   Ito yung mga carwash services na walang sariling lugar ay sa kalsada nagpapaligo ng sasakyan. Mga talyer o motorshops na ang […]

  • Crime rate bumaba ng 73.76%

    BUMABA na sa 73.76% ang mga naitatalang krimen sa bansa simula Hulyo 2016, kung kailan nagsimulang manungkulan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.     Sa lingguhang Talk to the People ni Pang. Duterte nitong Lunes ng gabi, sinabi ni DILG Sec. Eduardo Año na mula sa 131,699 crime index sa bansa ay nasa 34,552 na […]