• December 5, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, niresbakan si Robredo

BINUWELTAHAN ng Malakanyang si Vice President Leni Robredo matapos na hikayatin nito ang pamahalaan na itigil na ang “propaganda” at sa halip ay ituon ang panahon at pansin sa pagtugon sa hamon na dala ng COVID-19 pandemic.

 

Todo-depensa si Presidential Spokesperson Harry Roque sa ginagawa ng gobyerno sa pagtugon ng hamon ng pandemiya sa bansa.

 

Sa katunayan, ginamit ni Sec. Roque ang data mula sa World Health Organization (WHO) para gamitin panabla sa pahayag ni Robredo.

 

Ani Sec. Roque, ang Pilipinas ay nasa ranked 32nd worldwide pagdating sa “caseload and logged 4,777.43 cases per million population (134th in the world).”

 

“Baka magalit ang World Health Organization dahil sinasabi n’yo nagpapakalat ng propaganda. Hindi po. World Health Organization po nagsabi kung nasaan na tayo sa ating COVID response,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Bakit namin paniniwalaan ang ibang pag-aaral samantalang lahat tayo nagtitiwala sa World Health Organization sa panahon ng pandemya. Hindi po propaganda ‘yan. Katotohanan. Buksan ang mata, buksan ang tenga,” dagdag na pahayag nito.

 

Para kay Sec. Roque, unfair ang para sa mga health workers na nakikipaglaban sa pandemiya ang naging pahayag ni Robredo.

 

“It is unfair to refer to their work output as propaganda. Huwag naman po,” ani Sec. Roque.

 

Sa ulat, nanawagan si Robredo sa pamahalaan na pagbutihin ang pandemic response kaysa ang “propaganda” matapos na maitala ang -8.3% gross domestic product sa fourth quarter ng 2020.

 

Kinikilala ni Robredo ang epektong dulot ng COVID-19 pandemic pagdating sa ekonomiya, subalit sa mga panahon na ito ay dapat ipinapakita aniya ang “quality response” ng pamahalaan.

 

Iginiit ni Robredo na maging ang mga kalapit na bansa ay umaaray din naman sa epekto ng pandemya pero tila “mas maayos” ang mga ito kumpara sa Pilipinas.

 

“So para sa akin, dapat sana iyong response— Huwag na tayo sa propaganda. Iyong response dapat, tinutugunan kung paano mare-resolve nang mas maaga. Kasi mas matagal iyong ganito, mas marami tayong mga kababayan na maghihirap,” dagdag pa ni Robredo.

 

Nauna nang sinabi ni acting NEDA Sec. Karl Kendrick Chua na nagambala ang growth momentum at development trajectory ng bansa bunsod ng pandemya.

 

Ang naitalang contraction sa GDP ng Pilipinas ay dahil sa pagbaba nang performance ng construction sector (-25.3%), other services (-45.2%), at accomodation at food service activities (-42/7%).

 

Ang mga figures na ito ang siyang dahilan kung bakit ang GDP sa buong 2020 ay -9.5%. (Daris Jose)

Other News
  • Maayos na employment terms, benepisyo sa mga security guards

    ISINUSULONG ni Davao City Rep. Paolo Duterte ang pagpapabuti sa kapakanan ng mga security guards at iba pang miyembro ng private security industry sa pamamagitan ng pagtatalaga ng ilang probisyon ukol sa kanilang employment, working conditions at benepisyo.     Kasama si Benguet Rep. Eric Yap, ipinanukala nina Duterte na mabigyan ang mga security guards […]

  • ‘Di kayang pagsabayin ang showbiz career at lovelife: MARCO, sobrang ka-close si JAKE kaya ‘di liligawan si KYLIE

    PRODUCER na rin ang actress na si Lovi Poe ng sarili niyang kumpanya.     At ang maganda pa, hindi lang pang-local ang market niya, pang-international din. Gusto raw niyang ituloy ang legacy ng kanyang ama na si Fernando Poe Jr., ang dating Hari ng Pelikulang Filipino na may FPJ Films.     This time, […]

  • Ads December 10, 2020