Malakanyang, pinaalalahanan ang publiko na sundin ang 7 commandments ng DOTr ngayong Mahal na Araw
- Published on March 18, 2021
- by @peoplesbalita
PINAALALAHANAN ng Malakanyang ang publiko partikular na ang mga magbi-byahe sa probinsiya na sundin ang 7 commandments ng health protocols sa pampublikong transportasyon ngayong Mahal na Araw.
Inisa-isa ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang 7 commandments na ipinatutupad ng Department of Transportation (DOTr). ito ay ang mga sumusunod:
1. Magsuot ng face mask at face shield;
2. Bawal ang pagsasalita, pakikpag-usap o pagsagot ng telepono;
3. Bawal ang pagkain at kumain;
4. Kailangang may sapat na ventilation;
5. Kailangang may frequent disinfection;
6. Bawal magsakay ng pasahero na may sintomas ng COVID-19; at
7. Kinakailangang sumunod sa appropriate physical distancing (one seat apart)
“Well, iyan lang po talaga ang ating mga tried and tested na sandata laban sa COVID-19. Again quoting Dr. Salvaña po ‘no, maski wala pa po tayong mga bakuna – the wearing of face shield, the wearing of face mask – katumbas din po iyan ng bakuna sa ngayon,” ayon kay Sec.Roque.
Sa kabilang dako, ang mga kautusang ito ay mariing pinapaalala ng DOTr na kinakailangang sundin, obserbahan, at isapuso ng bawat pasahero, drayber, operator, at konduktor.
Ang pagpapatupad ng mga health at sanitation protocols na ito, na alinsunod sa rekomendasyon ng mga health experts, ay ipinatutupad upang maprotektahan ang kalusugan at masiguro ang kaligtasan ng lahat.
-
CHED, pansamantalang sinuspinde ang scholarship application para sa incoming freshmen
PANSAMANTALANG sinuspinde ng Commission on Higher Education (CHED) ang aplikasyon sa CHED Scholarship Program (CSP) para sa incoming first-year college students para sa Academic Year (AY) 2022-2023. Sa advisory ng CHED na pinost nito sa kanilang social media accounts, ang suspensyon ay “offshoot of budget inadequacy” sa Fiscal Year (SY) 2022 budget ng […]
-
ARJO ATAYDE, NAGPAKITA NG SUPORTA SA BARANGAY VASRA
BUMISITA kamakailan si Arjo Atayde sa Barangay Vasra, Quezon City upang tumulong sa proyektong Community Feeding ni Mayor Joy Belmonte ng Lungsod na ito. Siya ay sinalubong ng mga nanay ng taga-Day Care Center kasama ang kanilang Barangay Kagawad na si Ding Antenor, bukod pa rito ay bumaba rin sa iba’t ibang barangay […]
-
NAKATANGGAP ang 56 rehistradong mangingisdang Navoteños
NAKATANGGAP ang 56 rehistradong mangingisdang Navoteños ng NavoBangka fiberglass boats at lambat mula kay Senator Imee R. Marcos bilang bahagi ng isang linggong pagdiriwang ng kaarawan nina Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco. Nagpahayag naman ng pasasalamat ang Tiangco brothers sa Senadora sa ibinigay niyang tulong sa mga mangingisda sa Navotas. (Richard Mesa)