Malakanyang, pinalagan ang ‘hallucination’ ni Digong Duterte na attack dog ng admin si Trillanes
- Published on November 19, 2024
- by @peoplesbalita
AYAW patulan ng Malakanyang ang alegasyon ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte na isang ‘attack dog’ ng administrasyon si dating senator Antonio Trillanes IV dahil sa pinakabagong banat at atake ng huli sa una.
“Mahirap nang pumatol sa ganyan. Hallucination na ‘yan,” ang sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa mga mamamahayag sa isang media interview.
Lumutang ang hinala ni Duterte na attack dog ng Palasyo si Trillanes dahil hindi umano ito gagalaw kung walang nasa likod nito dahil wala na umanong itong pera.
Giit ng dating Pangulo na “Malacañang-sponsored” ang pag-atake sa kanya ni Trillanes.
Binanggit ito ni Digong Duterte sa isang phone call sa kanyang legal counsel Salvador Panelo, na naka-aired live sa social media.
Dahil dito, planong kasuhan ng libel ni Digong Duterte si Trillanes dahil sa patuloy na pag-atake sa kaniya at sa kaniyang pamilya kaugnay sa malaking pera nito sa bangko na mula umano sa illegal na droga.
Sa ulat, halagang uminit ang ulo ni dating pangulong Duterte sa pagdinig sa Kamara nitong Miyerkules matapos siyang akusahan ng isang dating senador na nagbenepisyo ng pera mula sa ilegal na droga.
Nilinaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi tutulong bagamat hindi rin haharangin ng gobyerno ang International Criminal Court kung gustong magpaimbestiga ni Digong Duterte. (Daris Jose)
-
Piñol, magsisilbi bilang food security adviser kay incoming NSA Clarita Carlos
NAPILI si dating Department of Agriculture (DA) Secretary Emmanuel “Manny” Piñol para magsilbi bilang food security adviser kay incoming National Security Adviser (NSA) Clarita Carlos. “Yes . Actually, si Secretary Clarita Carlos kaibigan kong matagal na. She was my consultant when I was DA Secretary,” ayon kay Piñol. Ani Piñol, sinang-ayunan […]
-
NAVOTAS COASTAL DEVELOPMENT
MASAYANG ibinalita nina Mayor Toby Tiangco at Congressman John Rey Tiangco na nagbunga na ang matagal nia nilang plano na pinakamalaking proyektong pabahay para sa mga Navoteño, ang Navotas Coastal Development. Ayon kay Mayor Tiangco, ang proyektong ito ay pinagplanuhan nila ni Cong. John Rey kasama ang San Miguel Corporation at walang gagastusin […]
-
6 sangkot sa droga, nalambat sa Navotas buy-bust
Anim na hinihinalang drug personalities, kabilang ang 15-anyos na binatilyo ang nalambat ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas city. Ayon kay Navotas police chief Col. Rolando Balasabas, dakong 4:45 ng madaling araw nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni […]