• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang sa plano ni Roque na political asylum: No political persecution

ITINANGGI ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro ang alegasyon na may political persecution gaya ng sinasabi ni dating presidential spokesperson Harry Roque dahilan para mapilitan ang huli na humingi ng political asylum sa The Netherlands.
Ang “asylum” ay isang legal na proseso kung saan naghahain ng proteksyon at karapatang manatili sa ibang bansa ang isang indibidwal na nangangamba sa “persecution” at human rights violations sa sarili niyang bansa.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Castro na ang mga ebidensiya laban kay Roque ay “overwhelming.”
“Hindi naman ito makakaapekto. Unang una, magpa-file pa lang yata siya ng petition at hindi pa naman ito naga-grant. Tandaan po natin, bago ito ma-grant dapat mapalabas niya po na may well founded fear of political persecution,” ang sinabi ni Castro.
“How could there be a political persecution if all the pieces of evidence are overwhelming? Wala po tayong nakikitang political persecution. Harapin na lang niya ang kaso niya po dito. Mas maganda ‘yan para maipakita niya sa taumbayan na wala po talaga siyang kasalanan,” aniya pa rin.
Sa kabilang dako, hindi pa nakikita ni Castro na kailangang makipagtulungan ang gobyerno sa International Criminal Police Organization (Interpol) para ibalik sa Pilipinas si Roque mula The Netherlands.
“Hindi pa natin nakikita ‘yan sa ngayon, pero siguro maiiba ang sitwasyon kung siya na ay may warrant of arrest na inissue ng korte,” ang pahayag ni Castro.
Sa ulat, maghahain ng aplikasyon si dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque upang makakuha ng ‘asylum’ sa sa pamahalaan sa The Netherlands.
Isa ito sa mga paraan na naisip ni Roque upang maipagtanggol si dating Pangulong Rodrigo Duterte, na nasa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, kung saan lilitisin ang mga nagawa niyong “crimes against humanity” dahil sa kanyang “war on drugs.”
Matagal na hindi nagpakita sa publiko si Roque ngunit bigla lang siyang lumantad sa The Hague, Netherlands kasama sina Vice President Sara Duterte at Sen. Robin Padilla noong March 14, matapos ang isinagawang pre-trial hearing sa kaso ni Duterte.
( Daris Jose)
Other News
  • Rider na naaksidente, arestado

    KALABOSO ang isang lalaking naaksidente sa motorsiklo kasama ang angkas na babae matapos laitin ang rumespondeng mga pulis para tumulong sa Valenzuela city.   Si Gerald Ejan, 25 ng Road 3, Lingahan, Malanday ay sinampahan ng pulisya ng kasong unjust vexation, disobedience of lawful orders of persons in authority or their agents, paglabag sa R.A […]

  • Simpleng tax rules para sa work-from-home business process outsourcing

    IDINIIN  ni House ways and means panel chair Rep. Joey Salceda ang kahalagahan ng “mas simple at mas malinaw na mga patakaran sa buwis” sa gitna ng napipintong paglilipat ng mga BPO sa Board of Investments (BOI).     Aniya, dapat gawing “mas simple” ng gobyerno ang mga patakaran sa buwis para sa mga kumpanya […]

  • PBBM pinatitiyak sa DENR na magkaroon ng access sa malinis na tubig ang 40-M Filipinos

    INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga concerned agencies ng gobyerno na tutukan ang nasa 40 million Filipinos sa bansa na hanggang ngayon wala pa ring access sa portable water. Sinabi ng Pangulo na nais nito na sa lalong madaling panahon mabigyan na ng fresh waters ang mga kababayan natin. Inihayag naman ni Dr. […]