• March 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, umapela sa publiko na hayaan na magdesisyon si PDu30 sa isyu ng WPS

UMAPELA ang Malakanyang sa publiko na hayaan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na plantsahin sa pribadong pamamaraan ang isyu ng di umano’y pagsalakay ng China sa West Philippine Sea (WPS).

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang diplomatic negotiations ay nasa ilalim ng listahan ng exceptions ng Executive Order (EO) 2, o mas kilala bilang Freedom of Information.

 

“Kung anuman ang ginagawa ng Presidente, hayaan na nating gawin niya ‘yun sa isang pribadong pamamaraan dahil hindi naman po dapat inaanunsiyo sa publiko kung ano ‘yung mga diplomatic initiatives at hakbang na ginagawa ng Pangulo,” ayon kay Sec.Roque.

 

Muling naghain ng dalawang diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa China, kaugnay ng mahigit 200 Chinese militia vessels sa West Philippine Sea.

 

Ayon kay DFA Sec. Teddyboy Locsin Jr., maganda ang pagkakahanay ng kanilang liham, ngunit hindi ito maaaring ilabas sa publiko, kaya’t ang Senate at House committees on foreign relations lamang ang kanilang binigyan ng kopya.

 

Laman ng panibagong reklamo ang pagmamatigas ng China na paalisin ang 240 Chinese militia vessels, anim na Chinese navy vessels, kasama na ang tatlong warships na nasa loob ng ating teritoryo.

 

May namataan ding dalawang People’s Liberation Army Navy vessels sa Bajo de Masinloc.

 

Maliban dito, iniulat din ng National Task Force on the West Philippine Sea (NTF-WPS) na may na-monitor silang Chinese poachers na nangunguha ng mga lamang dagat sa Pag-asa Islands.

 

Samantala, naniniwala naman si Sec. Roque, na paaalisin ng China ang lahat ng sasakyan nito sa WPS lalo pa’t magkaibigan naman ang dalawang bansa.

 

“Hindi ko po masasabi iyan pero inaasahan po natin na ‘yung malapit na pagkakaibigan natin, magiging dahilan kung bakit sila ay aalis ng maaga kaysa nang mas matagal ,” anito.

 

Kumpiyansa si Sec. Roque na gagawa ng tamang desisyon ang Punong Ehekutibo.

 

“The President must make the right decision no matter what. So let’s leave the President to his devices. Napakita naman po niya na ,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • MAKABAYAN slate, nagsumite ng COC

      MAGKAKASAMANG nagsumite ng kanilang dokumento at intensyon ng pagtakbo para sa 2025 national at local elections ang Makabayan slate ngayong ika-apat na araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC).     Ang mga sumunod na Makabayan slate at mga kumakatawan ay ang mga sumusunod.   1. ACT Teachers Rep. France Castro 2. Gabriela […]

  • TWG binuo ng DCC subcom upang pagsama-samahin ang mga panukala sa programang “balik-probinsya”

    Isang technical working group (TWG) ang binuo ng New Normal Cluster of the Defeat COVID-19 Ad-Hoc Committee (DCC) sa kamara para pagsasama-samahin ang limang panukala na naglalayong buuin ang Balik Probinsya Program.   Ito ay ang House Bills 6762, 7072, at 7111 na bubuo sa “Balik Probinsya, Bagong Pag-Asa” Program; HB 6970 na naglalayong gawaran […]

  • DOH, Quezon City LGU sanib puwersa sa ayuda sa kalusugan ng mga residente

    NAGTULUNGAN ang ­Quezon City LGU at Department of Health (DOH) sa pagkakaloob ng libreng health at wellness assessment services para sa mga residente ng Barangay Loyola Heights sa pamamagitan ng programang PuroKalusugan bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Heart Month at National Cancer Awareness Month ngayong Pebrero. Sa ilalim ng PuroKalusugan tinitiyak nitong ang bawat residente […]