Malakanyang, umapela sa publiko na sundin na lang ang naging pasya ng Metro Manila Mayors ukol sa pagbabawal ng outdoor exercises
- Published on August 13, 2021
- by @peoplesbalita
UMAPELA ang Malakanyang sa publiko na sundin ang anumang napagdesisyunan ng Metro Manila Council (MMC) na may kinalaman sa “no outdoor exercise” sa mga lugar na naka- Enhanced Community Quarantine (ECQ) gaya ng National Capital Region (NCR).
Ang katwiran ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mga alklade Rin naman ang nagpapatupad ng IATF resolutions.
Ang mga ito rin naman ang pinagkatiwalaan ng Pangulo na iimplementa ang napagkasunduan sa IATF kaya’t kung anuman ang pinagtibay sa Task Force ay iyon ang ipatutupad.
Kaya kung sa tingin ng MMC ay dapat lang na magkaroon muna ng pagbabawal ng outdoor exercise, mas maigi ngang manatili muna sa pamamahay at sumunod sa patakaran.
Tutal naman aniiya ay 10 araw lamang naman ang hihintayin at mula doon ay maaari na ring bumalik sa pag-eehersisyo na aniya’y may elemento ng mental impact sa bawat isang indibidwal.
Nauna rito, nakiusap si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Benhur Abalos sa publiko na pagbigyan ang 10 days “no outdoor exercise” sa Metro Manila.
Sa virtual press briefing ni Sec. Roque, sinabi ni Abalos na layon nito na ingatan ang mga bata habang patuloy na tumataas ang kaso ng Delta variant.
Bukod pa sa maiiwasan din ang pang-aabuso mula sa mga taong wala namang ginagawa sa labas ng bahay kundi ang mag-chismisan lang.
Tiniyak naman ni Abalos na matapos ang 10 araw at na-review na ng Metro Manila Mayors ang bagay na ito ay posibleng ibalik na ang outdoor exercise.
Napag-usapan naman aniya ng mga Mayor na matapos ang 10 days at gumanda na ang sitwasyon ay tatanggalin na aniya itong exercise na ito.
“Puwede na. It’s just that 10 days at isa pang rason dito na talagang tingin ko tumama sa puso ng bawat isa . Bawat mayor po ay mga magulang eh. Hindi namin alam ang epekto nito sa mga bata.. sa ngayon. Maraming nababasa, maraming naririnig na pati ang mga bata maski nga ang bakuna na ay ibinibigay na sa mga bata. Ano po ang punto ng mga Mayor? Ang punto po nila ay pag-iingat ng bawat isang pamilya, bawat isang komunidad. So, sana po maunawaan ninyo ang mga rason bakit itong polisiya na ito ay ginawa nila,” litaniya ni Abalos. (Daris Jose)
-
Ryan Garcia: Target kong ma-knockout ang ‘hero’ kong si Pacquiao
Hindi umano mag-aatubili ang American boxer na si Ryan Garcia na i-knockout ang kanyang “hero” na si Sen. Manny Pacquiao kung sakaling matuloy ang pinapangarap nitong laban kontra sa Fighting Senator. Ayon kay Garcia, kahit ano pa mang klase ng laban ang mapagkakasunduan nila ni Pacquiao ay kanya raw sisikapin na mapatumba ang […]
-
PNP may sinusunod na ‘formula’ sa pagtala ng crowd estimate sa mga campaign rally
AMINADO ang Philippine National Police (PNP) na hindi nagtutugma ang kanilang crowd estimate sa mga organizer ng campaign rally. Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, may ginagamit na ibang guidelines o formula ang PNP sa bilang ng mga tao sa mga venue. Paliwanag ni Carlos, 2 persons per square […]
-
Siklista ng GFG, papadyak sa 10th Ronda Pilipinas 2020
MASISILAYAN ang tikas ng Go for Gold Cycling Team sa pagpedal sa LBC Ronda Pilipinas 10th Anniversary Race na magsisimula sa Pebero 23 sa Sorsogon at matatapos sa Marso 4 sa Vigan, Ilocos Sur. Irarrampa ng GFG ang mga batang siklista upang harapin ang hamon ng mga beterano buhat sa mga tigasing kaponan katulad […]