• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, walang kamay sa impeachment complaint laban kay SC Associate Justice Leonen

WALANG kinalaman ang Malakanyang sa naging hakbang na  sampahan ng impeachment complaint si Supreme Court Associate Justice Mario Victor “Marvic” Leonen dahil umano sa culpable violation of the Constitution at betrayal of public trust.

 

Ito ay dahil sa bigo di umani si Leonen na makapaghain ng kanyang Statement of Assets and Liabilities (SALN) sa loob ng 15 taon mula sa 22 taon niya sa University of the Philippines, na maituturing na paglabag sa Section 17, Article 11 ng 1987 Constitution.

 

Binigyang diin ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang impeachment complaint ay hindi inindorso ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

“Wala pong kinalaman diyan. We don’t even know who the proponents are,” ayon kay Sec.  Roque.

 

Sa ulat, nagtungo sa Kamara si Atty. Larry Gadon nitong umaga para maghain ng impeachment complaint laban kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen.

 

Kasama ni Gadon na pumunta sa opisina ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza ang tumatayong complainant na si Edwin Cordevilla, ang Secretary General ng Filipino League of Advocates For Good Government (FLAGG).

 

Si Ilocos Norte 2nd District Rep. Angelo Marcos Barba naman ang nag-endorso ng impeachment complaint.

 

Nakasaad sa 41-pahinang impeachment complaint laban kay Leonen,  ang naging “negligent and incompetent” din umano nito dahil sa hindi nito pag-dispose o pagresolba sa 37 kaso sa Korte Suprema sa loob ng 24 buwan magmula nang maisumite ito.

 

Nilabag din umano ni Leonen ang Saligang Batas dahil sa “arbitrarily, willfully, intentionally, [and] deliberately” nitong pinatatagal ang pagresolba sa 21 election protests at 13 quo warranto cases, na pending sa House of Representatives Electoral Tribunal kung saan umuupo ito bilang chairperson.

 

“Respondent failed to consider the implications of these prolonged delays in the lives of the litigants. He should know that when justice is delayed to a fault, uncertainty in the litigants lingers, thereby diminishing trust and confidence in the Court,” ani Cordevilla.

 

Tinukoy din ni Cordevilla na noong panahon ni dating Pangulong Benigno Aquino III ay naging bias at pinapaburan umano ni Leonen ang Liberal Party sa lahat ng mga kasong kinaharap ng mga ito.

 

Pero nang maupo na si Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay Cordevila, lahat tinutulan o hindi sinang-ayunan ni Leonen sa mga kaso kung saan karamihan sa mga SC justices ay bumoto ng pabor sa administrasyon.

 

Sa ilalim ng Impeachment Rules kailangang mayroong kongresista na mag-endorso ng impeachment complaint bago ito madala sa Committee on Rules ng Kamara para maisalang sa unang pagbasa at i-refer sa Committee on Justice.

 

Ang komite ang didinig sa impeachment complaint, kung saan maghaharap ng testigo at ebidensya ang complainant at respondent.

 

Sa oras na mapatunayang guilty sa komite, iaakyat ito sa plenaryo upang aprubahan saka naman dadalhin sa Senado, na tatayong Impeachment Court.

 

Si Leonen ay maari lamang maalis sa puwesto sa pamamagitan ng impeachment bilang isa itong Supreme Court Justice base na rin sa ilalim ng 1987 Constitution.

 

Matatandaan na si Gadon din ang siyang naghain ng reklamong impeachment laban kay dating Chief Justice Ma Lourdes Sereno na napatalsik naman dahil sa quo warranto ng Supreme Court. (Daris Jose)

Other News
  • Inialay ang bagong parangal na anak na si Cristiano… ALFRED, nakagawa ng historic ‘three-peat’ win bilang Best Actor para sa ‘Pieta’

    NAKAGAWA ng panibagong milestone para sa Pilipinas ang award-winning actor at public servant na si Alfred Vargas dahil kanyang historic “three-peat” win bilang Best Actor para sa pelikulang ‘Pieta’.       Ang acclaimed full-length film na pinagbibidahan ng Pambansang Alagad ng Sining na si Nora Aunor, at multi-awarded actress at direktor na si Gina […]

  • Nanawagan na kilatising mabuti ang pulitikong iboboto: ANGEL, kalmadong sinagot ang paratang ng isang basher at ‘di dapat mag-away-away

    SUPER react na naman ang netizens at matatapang ang kanilang komento sa IG post ni Angel Locsin na may art card na kulay pula at nagsusumigaw na ‘Never Again!’     May caption ang kanyang panawagan sa sambayanang Pilipino na, “Ngayong simula na ang kampanya, At ang mga pulitiko are putting their best foot forward. […]

  • 2,000 ESTUDYANTE NG UDM, NAKATANGGAP NG TIG-P5K TULONG PINANSIYAL

    NASA 2,000 estudyante sa kolehiyo ang nakatanggap ng maagang “Pamasko”  makaraang maghatid ng P10 milyon halaga ng educational assistance si Senadora Imee R. Marcos sa Universidad de Manila nitong Biyernes, Disyembre 15.     Sinalubong ng kapatid ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan at Liga ng mga Barangay President Konsehala Lei Lacuna si Senadora Imee pagdating […]