• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, walang maibigay na assurance sa mga nagdududa sa pagreretiro ni Pangulong Duterte sa politika

HANDS OFF na ang Malakanyang sa mga taong nagdududa sa naging anunsyo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magreretiro na siya sa pulitika sa oras na matapos ang kanyang termino sa Hunyo 30, 2022.

 

Tugon na rin ito ni Sec. Roque sa tanong kung seryoso ang Pangulo sa pahayag niyang ito dahil na rin sa taong 2015 nang sabihin nito na magreretiro na siya sa politika at hindi tatakbo sa pagka-pangulo subalit pareho namang hindi nangyari.

 

“Wala na po akong assurance na maibibigay doon sa talagang gustong magduda,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Kung talagang may nagdududa antayin natin ang October 8. Kung mayroon pang nagduda antayin natin ang November 15 dahil hanggang dun ang substitution,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Matatandaang 2015, nang mag-substitute si noon ay Davao City Mayor Duterte kay Martin Diño bilang standard bearer ng PDP-Laban para sa 2016 presidential race.

 

Pebrero 2016, nang magpalabas ng kautusan ang Commission on Elections First Division na “validly substituted” na si Diño ni Duterte bilang PDP-Laban standard bearer dahil sa maling pagkakasulat ni Diño ng Mayor ng Pasay City sa kanyang deklarasyon ng kandidatura subalit ang inihain sa certificate of candidacy ay para sa pagka-pangulo.

 

Nauna rito, inanunsyo ni Pangulong Duterte na magreretiro na ito sa larangan ng politika.

 

Ito ay matapos bawiin nito ang nominasyon sa kanya ng PDP-Laban sa posisyong bise presidente sa 2022 national elections.

 

Ani Duterte, ito ay bilang pagsunod niya sa gusto ng sambayanan na magretiro na sa politika.

 

Samantala, pormal nang naghain ng Certificate of Candidacy si Senate Health Committee Chairman Christopher “Bong” Go bilang kapalit ni Duterte sa pagka-bise presidente.

 

Matatandaan noong Agosto ay inihayag ng pangulo na tatakbo ito bilang bise presidente sa halalan kung saan umani ng batikos mula sa publiko. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Meet the time-travelers as they embark on an epic sci-fi adventure in “Taklee Genesis x Worlds Collide”

    GET ready for an adventure like no other as “Taklee Genesis x Worlds Collide” takes you on a thrilling ride through time and space!     This highly anticipated Thai sci-fi epic follows the journey of Stella (Paula Taylor) as she returns to her rural hometown and reconnects with her father, who mysteriously vanished 30 […]

  • MAINE, may katambal na rin sa comedy show nila ni VIC sa katauhan ni YASSER MARTA

    FINALE night na mamaya ng romantic-drama series na The World Between Us nina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, Tom Rodriguez, Sid Lucero, Dina Bonnevie at Ms. Jaclyn Jose.     Kaya mas excited na ang mga netizens kung ano ang gagawin ni Louie (Alden) para maipaghiganti ang mga pananakit na ginawa ni Eric (Sid) kay Lia […]

  • Bianca, isa sa tatlong leading lady ni Dennis

    MUKHANG nalilinya si Kapuso young actress Bianca Umali, dahil pagka- tapos niyang gawin ang matagumpay at award-winning cultural drama na Sahaya, na gumanap siyang isang Muslim girl na naging unang teacher sa kanilang lugar sa Tawi-Tawi, siya muli ang napili ng GMA Entertainment Group na gumanap sa isa pang malaking proyekto, ang Legal Wives na […]