• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, walang nakikitang timeline sa pagpapaluwag ng quarantine restrictions sa NCR

SINABI ng Malakanyang na hindi pa nito alam kung may timeline ang pagpapaluwag ng quarantine restrictions sa Kalakhang Maynila.

 

“Hindi ko alam kung kailan makakamit ‘yan (Alert Level 1). Pero ang importante sa Metro Manila, ay mahigit 60% na ang ating pagbabakuna,”ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

 

Ang Kalakhang Maynila kasi ang epicenter ng COVID-19 pandemic sa bansa.

 

Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay kasabay nang pagsisimula ng unang araw ng implementasyon ng Alert Level 4 sa Metro Manila, isang protocol na bahagyang pinapayagan ang indoor at outdoor dining at maging ang personal care services na mag- operate sa 10% hanggang 30% capacity.”

 

Nakataas kasi ang Alert Level 4 sa Metro Manila hanggan Setyembre 30.

 

“The Alert Level 1 protocol, on the other hand, allows all establishments, persons, or activities, are to operate, work, or be undertaken at full on-site or venue/seating capacity provided it follows minimum health standards such as wearing of face mask and face shield, observance of social distancing and frequent washing of hands,” ayon kay Sec. Roque.

 

Ani Sec. Roque, ang Alert Level 4 ay kailangan na gumana dahil ito ang targeted approach.

 

“Titingnan natin kung lalong mas mapapababa at mapapahina ang pagkalat ng COVID-19,” ani Sec. Roque.

 

“Ang siyensya diyan ay dahil alam naman natin kung nasan ang mga kuta ng COVID-19. Kung yan ang isinara natin, baka naman talaga ma-contain yung pagkalat ng virus,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Ads May 31, 2023

  • P889M na ang running total worldwide gross… ‘Rewind’ nina MARIAN at DINGDONG, kumpirmadong ‘highest grossing Filipino of all time’

    KUMPIRMADO na ang 49th MMFF entry na ‘Rewind’ na pinagbidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, na ang may hawak ng ‘highest grossing Filipino film of all time’.     Patuloy ngang binabasag ang mga box office records ng naturang pelikula na produced ng Star Cinema, APT Entertainment at AgostoDos Pictures, na as of January […]

  • LTO: Gagawing online lahat ng transakyon

    MAY PLANO ang Land Transportation Office (LTO) na gawin ng online ang lahat ng transaksyon upang maalis ang korupsyon at fixers sa loob ng ahensya.       Sa isang pahayag ni LTO assistant secretary Vigor Mendoza II ay kanyang sinabi na ang lahat ng pagrerehistro ng sasakyan at aplikasyon para sa lisensya ay gagawin […]