• December 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, walang panahon para patulan ang maagang pamumulitika at pangangampanya ni VP Leni

AYAW pag-aksayahan ng panahon ng Malakanyang ang maagang pamumulitika at pangangampanya ni Vice-President Leni Robredo.

 

Sa isang kalatas, sinabi kasi ni OVP spokesperson Atty. Barry Gutierrez na masyadong nakatuon ang pansin ng administrasyon sa pag-atake sa Pangalawang Pangulo, kaysa tugunan ang mga problema ng bansa.

 

“Well, hindi po, hindi po namin siya pinag-aaksayahan ng panahon. tuloy po ang aming mga pagtatrabaho samantalang si VP Leni po ay namumulitika at nangangampanya na para maging Presidente sa pamamagitan po ng kanyang walang tigil na birada sa administrasyon,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

 

“Nakatutok po kami sa trabaho at ang pulitika po is at the very far and at the back … at the end of the mind of the President. Trabaho lang po kami .Patuloy ang paninilbihan,” ang pahayag ni Sec. Roque.

 

Nitong Lunes nang gabi binanatan muli ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Robredo dahil sa umano’y mababa pa ring tiwala ng healthcare workers sa Chinese-vaccine na Sinovac.

 

Kung maaalala, umapela ang bise presidente na padaanin din sa review ng Health Technology Assessment Council (HTAC) ang nasabing bakuna, dahil 50.4% ang lumabas na efficacy rate nito nang pag-aralan sa healthcare workers sa Brazil, ayon sa Food and Drug Administration.

 

Mas mababa ang datos kumpara sa efficacy rate ng Pfizer-BioNTech at AstraZeneca vaccines, na dumaan sa HTAC review.

 

“Instead of helping, the Vice President muddled up everything, thereby I said creating uncertainty and doubt in the minds of the people. I hope next time, if she has nothing good to say, she should just maybe shut up… I did not get irritated. I got angry at you because I said, what is this? Time is running out to convince people,” ayon sa pangulo.

 

Pare-parehong nabigyan ng emergency use authorization (EUA) sa Pilipinas ang mga bakuna ng Pfizer-BioNTech, AstraZeneca, at Sinovac.

 

Sa kabila nito, iginiit ng ilang opisyal na hindi na kailangan dumaan sa HTAC ng dumating na 600,000 doses ng Sinovac vaccine dahil donasyon ito at hindi binili ng pamahalaan.

 

Gayunpaman sinabi ng tagapagsalita ni Robredo, na imbis na solusyunan ng pamahalaan ang mga issue, nakakatuwa na isinisi pa rin ng Palasyo ang lahat sa bise presidente.

 

“Kulelat tayo sa pagkuha ng bakuna? Awayin si Leni Robredo. Mabagal ang pagtugon sa bagyo at baha? Siraan si Leni Robredo. Milyon milyon ang nawalan ng trabaho? Insultuhin si Leni Robredo. Tapos sila daw ang hindi namumulitika?”

 

“Sa kanila na yang puro paninisi, itutuloy na lang namin ang trabaho.”

 

Batay sa tala ng Department of Health, as of March 7, mayroon nang 35,669 healthcare workers na naturukan ng unang dose ng bakuna.

 

Target ng gobyerno na maturukan ang tinatayang 1.8-million na frontline healthcare workers ngayong buwan hanggang Abril. (Daris Jose)

Other News
  • Angel, ipinagdiinang ‘di kasapi ng ano mang terrorist group ang kapatid

    MASAYA ang pamilya Colmenares sa pangunguna ni Angel Locsin dahil kaarawan ng kanilang bunsong kapatid na si Angelo pero nabahiran ito ng pagkabigla dahil may balitang lumabas na miyembro ng NPA at nakatalaga sa Quezon province ang isa niyang kapatid na si Ella Colmenares.   Idinamay kasi ang pangalan ni Ella ni Lt. Gen. Antonio […]

  • KELVIN, natupad na ang matagal nang pangarap na magka-billboard sa EDSA

    NATUPAD ang matagal nang pangarap ng The Lost Recipe star na si Kelvin Miranda na magkaroon ng malaking billboard sa EDSA.     Si Kelvin ang latest endorser ng isang kilalang clothing at lifestyle brand.     Inamin ni Kelvin na bata pa lang siya ay curious na siya kung ano ang pakiramdam na magkaroon […]

  • SHARON at KIKO, muntik nang ‘di umabot sa 25 years pero nangibabaw ang pagmamahalan

    PINOST ni Megastar Sharon Cuneta ang video clip sa kanyang YouTube channel noong February 14 na kung saan game na game sila ni Sen. Kiko Pangilinan sa isang challenge nilagyan ng title na ‘Valentine’s Day Game with our children’     Caption ni Mega sa kanyang post, “So Kakie, Miel & Miguel came up with […]