Malaking pondo ang gagastusin sa PVL bubble
- Published on March 20, 2021
- by @peoplesbalita
Milyones ang pondong kakailanganin upang matagumpay na maitaguyod ang 2021 Premier Volleyball League (PVL) Open Conference na idaraos sa isang bubble format sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.
Base sa estimate, aabot ng P47 milyon ang magagastos para tustusan ang mga pangangailangan ng buong delegasyon sa bubble.
Nangunguna na sa listahan ang accommodation, pagkain, sweldo sa mga opisyales ng tournament, mga gagastusin sa swab testing at iba pang kailangan.
Malaking budget ang gugugulin sa pananatili ng delegasyon sa Inspire Sports Academy na tinatayang may P30 milyong pondong kailangan.
Tinatayang dalawang buwang mananatili sa bubble ang buong delegasyon base sa tantiya ng PVL organizers. Kasama naman sa package ang accommodation at pagkain.
Aabot naman sa P10 milyon ang ilalaan para sa swab testing dahil regular na magkakaroon ng test upang masiguro na ligtas ang lahat ng nasa loob ng bubble.
May P5 milyon naman para sa sweldo ng mga opisyales habang magkakaroon ng video challenge sa edisyong ito na gagastusan naman ng P2 milyon.
Ang kabuuang pondo ay para sa tinatayang 320 kataong papasok sa bubble na binubuo ng players, coaches, officials, medical team at television crew.
Subalit masuwerte ang pamunuan ng PVL dahil tutulong ang Cignal sa gastusin. Sa katunayan, sinabi ni PVL president Ricky Palou na malaking bahagi ng gastusin ay sasagutin ng Cignal — ang bagong broadcast partner ng liga.
May 12 teams ang kumpirmado nang lalahok sa Open Conference na puntiryang simulan sa Mayo 8.
Nangunguna na ang regular members na Creamline, Petro Gazz, Perlas, Army, Choco Mucho, BaliPure at baguhang UAC kasama ang bagong lipat na PLDT, Cignal, Chery Tiggo, Sta. Lucia at F2 Logistics.
-
MIYEMBRO NG BANUNG DRUG GROUP, ARESTADO
ARESTADO ng Manila Police District (MPD)-Police Station 6 ang isang miyembro ng Banung Drug Group sa isinagawang buy bust operation, kamakalawa sa may panulukan ng Pasig Line St., at A. Francisco St., Brgy. 777 Zone 83, San Andres Bukid Maynila. Narekober ng mga pulis sa suspek na si Hans Kerwin Pama, alyas Kerwang, ang may 12 […]
-
Perfect ang movie sa pagbabalik ng Superstar: ALFRED, mas tumindi ang pagiging Noranian nang makatrabaho si NORA sa ‘Pieta’
SA 101 episode ng Fast Talk with Boy Abunda noong June 14, sumalang sa isang usapang lalaki si Councilor Alfred Vargas kasama ang kaniyang co-actor sa AraBella na si Luis Hontiveros. Ibinahagi nga ng mahusay na aktor na hindi siya natatakot na umiyak sa harap ng mga tao lalo na sa mga malalapit sa kaniya. […]
-
Mahigit 200 Pinoy, balik-Pinas mula Macau
MAHIGIT sa 200 Overseas Filipino sa Macau ang kamakailan lamang ay nagbalik-Pilipinas sa pamamagitan ng repatriation program ng pamahalaan. Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA), sa pamamagitan ng tulong ng Philippine Consulate General sa Macau, may 203 Filipino ang dumating sa bansa noong Pebrero 16. Kabilang sa mga pinauwi ang […]