• April 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malawakang information drive sa COVID-19 vaccines, hirit sa IATF

Nanawagan kahapon si San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” Robes sa Inter-Agency Task Force on the Ma­nagement of Emer­ging Infectious Disease (IATF) na magsagawa ng malawakang information campaign ukol sa magkakaibang CO­VID-19 vaccines.

 

 

Ang pahayag ni Robes ay ginawa sa layuning maibsan ang pangamba at mabawasan ang maraming katanungan kaugnay sa kaligtasan at epektibo ng iba’t ibang bakuna na kasalukuyang ibinibigay sa ibang bansa.

 

 

“There is too much information that our countrymen are getting confused and anxious about getting the vaccine. The government, particularly the IATF, should go on a massive information drive to give the real score on the vaccines and the vaccination program that soon will be rolled out when we have the vaccines,” ayon kay Robes.

 

 

Si Robes, chairman ng House Committee on People’s Participation, ay nakipag-ugnayan sa mga international pharmaceutical companies na nangunguna sa paggawa ng bakuna kasama ang Philippine health officials para mapabilis na mapangasiwaan ang pag-apruba sa COVID-19 vaccine sa Pilipinas.

 

 

Tinukoy ni Robes na nakausap niya ang maraming mga tao sa kanyang distrito na nagpahayag ng kanilang pangamba sa pagkuha ng bakuna dahil sa mga katanungan sa kanilang kaligtasan at pagiging epektibo nito.

Other News
  • ‘Maternity leave’ scam, iniimbestigahan ng DepEd

    BUMUO  na ang Department of Education ng isang fact-finding committee para busisiin ang umano’y ano­malya sa maternity leave na nai-file ng mga guro ng may 11 beses sa loob ng tatlong taon.     Sinabi ni Atty. Michael Poa, spokesman ng DepEd, ang fact-finding committee ay kabibilangan ng mga DepEd officials sa regional offices at […]

  • VP LENI sinagot pagiging top spender sa Facebook ads

    NILINAW ng isang 2022 presidential aspirant ang patungkol sa pangunguna niya sa gastusin pagdating sa campaign ads sa isang social media site, habang idinidiing ginawa ito ng kanyang mga supporter upang labanan ang “fake news” at disinformation.     Umabot kasi sa P14.1 milyong halaga ng Facebook advertisements ang nagastos para kay Bise Presidente Leni […]

  • ‘Di nakaligtas nang tanungin ni Maricel: KIM, inaming naka-hang ngayon ang kanyang lovelife

    NABIGYAN na rin ng sagot ni Kim Chiu ang bali-balitang naghiwalay na sila ni Xian Lim.     Sa latest YouTube vlog ni Diamond Star Maricel Soriano, na in-upload noong December 16, 2023, kung saan naging ‘yaya for a day’ siya ni Kim habang nasa ‘It’s Showtime’.     Kaaliw ang eksena nilang dalawa, habang […]