• April 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MAMBA DINIS-KUWALIPIKA BILANG GOVERNADOR NG CAGAYAN

DINISKUWALIPIKA ng Commission on Elections (Comelec) second division si Manuel Mamba sa pagkapanalo  nito sa pagkagobernador noong 2022  sa Cagayan province dahil sa paglabag sa election election spending ban.

 

 

Ang resolusyon na nilagdaan ni Presiding Commissioner Marlon Casquejo , Commissioner Rey Bulay at Nelson Celis ay inihayag noong December 14,2022.

 

 

Ang petisyon ay inihain ni Zarah Rose Lara na tumakbo laban kay Mamba sa 2022 gubernatorial race.

 

 

Sa kanyang petisyon, sinabi ni Lara na si Mamba na nooy incumbent governor ng Cagayan province noong 2022 polls na sangkot sa massive vote buying activities sa panahon ng kampanya  sa pamamagitan ng cash assistance distribution gamit ang pondo ng provincial government  sa ilalim ng program na inilunsad bilang “No Barangay Left Behind “ (NBLB) , “No Town Left Behind” (NTLB) at “Oplan Tulong sa Barangay” sa kabila ng paglabas ng temporary restraining order na may petsa ng April 29,2022 ng Regional Trial Court Branch 5,sa Tuguegarao City,Cagayan.

 

 

Dagdag pa, nagpahayag ang petitioner n asi Mamba ay naglabas ng halagang P550 milyon mula sa pamahalaang panlalawigan  at ipinamahagi sa lahat ng registered voters sa ilalim ng programang “krusada Kontra Korapsyon (KKK)”.

 

 

Sa ilalim ng KKK program, sinabi ni Lara na bawat rehistradong botante ay nabigyan ng halagang P1,000.

 

 

“Ipinasiya ng COMELEC Second Division na bagamat nabigo ang ipinakitang ebidensya na si Mamba ay nagkasala at dapat madiskuwalipika dahil sa vote-buying,ang ebidensya ay matibay upang patunayan na siya ay lumabag sa Section 261(v) (2) ng [Omnibus Election Code] at Section 2 ng Comelec Resolution No.10747,” sabi ng Comelec sa isang pahayag.

 

 

Sinabi naman ni Comelec spokesperson Rex Laudiangco na si  Mamba ay maaring maghain ng Comelec En banc ng motion for reconsideration sa loob ng limang araw upang iapela ang kanyang disqualification. GENE ADSUARA

Other News
  • BONGBONG, SARA KAPIT-BISIG SA PAGTULONG SA MGA BIKTIMA NG BAGYONG ‘ODETTE’

    Pinakilos nila dating senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang kanilang mga volunteers upang makatuwang sa pamamahagi ng relief goods sa mga naapektuhan ng pananalasa ng Super Typhoon Odette.     Ang BBM-Sara UniTeam volunteers ay naghanda ng mga relief pack na naglalaman ng 5kgs ng bigas, ibat-ibang delata […]

  • 2 tulak arestado sa P204K shabu sa Malabon

    KULONG ang dalawang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.       Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Ross Deguia, 23 ng Celia I St., Brgy. Bayan-Bayanan at […]

  • Matandang dalaga kulong sa P340K shabu sa Caloocan

    ISANG 39-anyos na dalaga na itinuturing bilang isang high value individual (HVI) ang dumayo pa umano para magbenta ng ilegal na droga ang arestado matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyon halaga ng shabu sa buy bust operation sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang […]