Mambabatas , nanawagan sa DBM na tiyakin ang pondo na kailangan ng Sulu
- Published on November 29, 2024
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN ang isang mambabatas sa Department of Budget and Management (DBM) at iba pang ahensiya na tiyakin ang pondo na kailangan ng Sulu para pondohan ang operasyon ng lokal na pamahalaan.
Ang apela ay ginawa ni Deputy Minority Leader at Basilan Rep. Mujiv Hataman kasunod ng pinal na pagdedeklara ng Supreme Court sa hindi pagsama ng Sulu mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
“Hindi maaaring maantala ang mga serbisyong ng lokal na pamahalaan ng Sulu. Nananawagan ako sa DBM at iba pang ahensya na tiyakin ang pondo para sa lalawigan. Karapatan ito ng bawat mamamayan sa Sulu mula sa national government,” ani Hataman.
Una nang nagdesisyon ang SC sa ilang motions for reconsideration para exclusion ng Sulu mula sa BARMM.
Ayon kay Hataman, ang hindi pagkakasali ng Sulu sa BARMM ay nangangahulugan na ang national government ang may direktang responsibilidad para sa paglalaan ng pondo dito.
Sa ikalawang pagdinig para sa panukalang paglilipat ng BARMM elections mula 2025 sa May 2026, sinabi ni Hataman sa DBM na maghanap ng paraan upang makapaglaan ng pondo sa Sulu, na nasa tinatayang P9 billion base sa datos mula sa ilang opisyal ng BARMM.
Dahil hindi isinama ng SC ang Sulu sa BARMM sa desisyon nito kamakailan, ay walang pondo para sa Sulu a ilalim ng panukalang P6.352 trillion national budget para sa taong 2025.
Sinabi ni Hataman na ang mga serbisyong pangkalusugan, pang-edukasyon at pangkabuhayan ay dapat magpatuloy nang walang pagkaantala, kasama na ang pa-suweldo sa mga kawani ng lokal na pamahalaan.
“Kailangang planuhin nang maayos ang proseso ng transisyon. Malaki ang epekto ng exclusion ng Sulu sa BARMM, kaya kailangan itong tutukan,” dagdag ni Hataman .
Dapat din aniyang mag-usap ang national at provincial government kung paano sosolusyunan ang problemang ito.
“Sana ay magkaroon ng plano ang gobyerno para siguruhin ang kapakanan ng mga taga-Sulu dahil walang pondo ang lalawigan sa 2025 proposed national budget,” pagtatapos ng mambabatas. (Vina de Guzman)
-
May 7,000 erring motorcycle riders sinita
Sinita ng Philippine National Police (PNP) ang mahigit sa 7,000 na motorcycle riders dahil sa hindi pagtupad sa regulasyon tungkol sa backriding na ipinatutupad ng IATF simula ng payagan ng pamahalaan ang ganitong klaseng transportasyon sa ilalim ng GCQ. Marami sa mga backriding couples ay hindi sumusunod sa paglalagay ng barriers sa pagitan ng […]
-
Inflation pinakamataas simula Nobyembre 2018 matapos sumirit sa 6.1%
NAITALA nitong Hunyo ang pinakamabilis na pagtaas ng presyo ng bilihin sa Pilipinas sa nakalipas na 44 buwan matapos tumalon sa 6.1% ang inflation rate kasabay ng sunud-sunod na oil price hikes, pagtataya ng Philippine Statistics Authority (PSA). Ito’y matapos nitong maungusan ang 5.4% inflation rate na naitala nitong Mayo, na noo’y pinakamataas […]
-
Pangandaman, kumpiyansang mabilis na maipapasa ang panukalang P6.352-trillion national budget para sa taong 2025
KUMPIYANSA si Budget Secretary Amenah Pangandaman na agad na maipapasa ang panukalang P6.352-trillion national budget para sa taong 2025. “Thus, we are confident about the immediate passage of the proposed national budget for next year so that we can continue implementing programs and initiatives for the welfare of our people,” ayon sa Kalihim. […]