• September 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mami vendor sinisi pa: ‘Safety tips’ sa publiko, ibinida ng holdaper

“‘PRE pasensya kana, kinausap naman kita ng matino eh, ‘di mo kasi ibinigay…hindi sana mangyayari yun, ayaw mo kasi maniwala sakin eh.. kala mo nagbibiro ako.”

 

Ito ang mensahe ng suspek sa kanyang biktimang “pares mami” vendor matapos na masakote sa isinagawang follow up operation ng Manila Police District PS 5 kagabi sa Baseco, Port Area, Maynila.

 

Dahil sa nasabing mensahe at “piece of advice” na binitawan ng suspek na si Alexander Ogdamina, alyas Kalbo, 36-anyos, residente ng Gasangan, Baseco Compound, sa Port Area, ay kaliwa’t kanang pagbatikos ang natanggap niya ngayon sa social media.

 

Bukod pa rito, kumpiyansa pang pinayuhan ng suspek ang publiko kung ano ang gagawin kapag may nagtangkang mangholdap sa kanila.

 

“Kayong mga nakakarinig ng holdap, ibibigay niyo para ‘di kayo madisgrasya kasi kapag sinabing ituutuloy, itutuloy nila ‘yan para hindi kayo madisgrasya. Kapag naholdap kayo, ibigay niyo nalang para hindi na kayo mabaril,” ayon pa sa akala mong concern na suspek.

 

“Huwag pagsayangin ang buhay sa pera dahil pera lang yon,” dagdag pa ni Ogdamina.

 

Ayon pa sa suspek, ayaw aniyang ibigay ng biktimang si Samson Bautista ang kanyang sling bag kahit pa nakikiusap na ito kaya nagawa niyang barilin ang biktima.

 

Saad ni Ogdamina, kanya nang nagamit ang lahat ng pera na nanakaw sa pares vendor, at inamin ding lulong sa iligal na droga.

 

Itinangi naman ng suspek na gumamit siya ng iligal na droga nang mangyari ang insidente ngunit aminado siyang nakainom.

 

Aminado naman ang suspek na magsisi man siya ay nangyari na ang lahat kaya paninindigan na lamang aniya ang ginawa niya sa biktima.

 

Ang suspek ay mahaharap sa kasong robbery hold-up with frustrated murder at paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition ).

 

Narekober sa suspek ang ginamit na baril sa biktima na magnum 357 at mga live magnum ammunitions.

 

Sa ngayon ay nanatiling nakaratay sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ang biktima dahil sa tinamong tama ng bala sa kanyang leeg kung saan napinsala ang kanyang cervical 6 at 7 na bahagi o nakakonekta sa spinal cord kaya posible umano itong ma-paralyze.

 

Matataandaan na Martes ng madaling araw ang harangin ng suspek ang biktima at kaibigan nito habang sakay ng kanilang mami food cart kung saan nagdeklara ng holdap at nang hindi ibigay ng biktima ang kanyang sling bag ay saka ito binaril sa leeg bago tuluyang tinangay ang bag ng biktima na naglalaman ng maghapong kinita sa pagtitinda.
(Gene Adsuara)

Other News
  • John Enrico “Joco” Vasquez, naguwi ng gintong medalya mula sa Ontario Karate Championship

    Hindi maipaliwanag ang saya.   Ito ngayon ang nararamdaman ni John Enrico “Joco” Vasquez, Karateka National Athlete Gold Medalist, matapos nitong masungkit ang gintong medalya sa kategoryang Male Kata sa katatapos lamang na Ontario Karate Championships.   Sa naging panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan, sinabi nito na kakaiba ang naging karanasan nito sa […]

  • Matapos na dumaan sa maraming pagsubok: KRISTOFFER, kinasal na sa non-showbiz girlfriend na si AC

    MARRIED na ang Kapuso actor na si Kristoffer Martin sa kanyang non-showbiz girlfriend na si AC Banzon.     Naganap noong gabi ng February 3 sa Capas, Tarlac ang civil wedding ng dalawa. Kinasal sila ng mayor ng Capas na si Hon. Reynaldo Catacutan.     Witness sa kanilang pag-iisang dibdib ay ang kanilang 5-year […]

  • Walang kupas at first time makita nina Andres at Atasha: CHARLENE, muling pinamalas ang husay sa pagsasayaw at hinahamon si AGA

    KAALIW at marami talaga ang natuwa sa IG post si Charlene Gonzalez-Muhlach na kung saan muling pinamalas ang galing niya sa pagsasayaw at hindi pa rin kumukupas paglipas ng maraming taon.       Caption ng iconic dancing queen, “Have not danced in years. It was such a pleasure to do an impromptu dance & […]