Mananakay mas makikinabang sa motorcycle taxi law
- Published on May 25, 2023
- by @peoplesbalita
MAS MAKIKINABANG umano ang mga mananakay sa sandaling maisabatas ang motorcycle law dahil makakahikayat pa ito ng pagpasok ng motorcycle companies sa bansa.
Ito ang sinabi ni Grab Senior Executive Vice President Lim Yew Heng sa joint public hearing ng Senate committees on Public services and Local government kaugnay sa panukalang pag-regulate at gawing legal ang motorcycles for hire at pagsiguro na ligtas at affordable ito bilang pampublikong sasakyan.
Ayon pa kay Lim, na ang well regulated at inclusive framework para sa motorcycle taxis sa bansa ay magkakaroon ng magandang benepisyo.
“Passing a law that regulates motorcycle taxis stabilizes the regulatory environment, which will encourage healthy competition,” pahayag pa ng ehekutibo ng Grab na lumipad pa mula Singapore para makadalo sa pagdinig na pinamumunuan ni Senador Grace Poe.
Kapag mabilis umanong naisabatas ang nasabing panukala ay mas makakabuti sa mga consumer na sa ilalim ng kasalukuyang setup ay makakapili lamang sa tatlong motorcycle companies.
Ang tatlong kumpanya ay ang Angkas, Joyride at Move It na pinapayagang na tumakbo sa mga lansangan sa Metro Manila sa ilalim ng provisional authority na inisyu ng Department of Transportation.
-
Husay sa pag-arte, nasubukan na naman sa ‘Expensive Candy’: JULIA, suportado ng ina na si MARJORIE at mga kapatid sa pagpapa-sexy
MALAPIT na ngang matunghayan ang kaseksihan at alindog ni Julia Barretto sa latest movie ng Viva Films na Expensive Candy Ang karakter na ginagampanan ng tinaguriang “Drama Royalty of the Century” sa kanyang bagong pelikula ang pinaka-daring at sultry dahil ibang-iba ang Julia na masisilayan sa big screen ngayong September 14. […]
-
AMA, GINAWANG PARAUSAN ANG ANAK, KULONG
KULONG ang isang padre de pamilya nang nabuking na ginagawang parausan ang kanyang 11 taon gulang na anak sa Sta.Ana, Maynila. Kasong Qualified Rape sa ilalim ng Article 266-A par 1 ng Revised Penal Code ng Republic Act 8353 at Sexual Assault na inamiyendahan sa Article 8353 na may ugnayan s Section […]
-
Top 6 most wanted person ng NPD, nasakote
MATAPOS ang 10-buwan pagtatago, naaresto na ng pulisya ang isang umano’y rapist na tinagurian bilang Top 6 Most Wanted Person sa Northern Police District (NPD) makaraang bumalik sa kanyang bahay sa Quezon City. Pinuri ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director P/MGen. Debold Sinas ang mga operatiba ng Intelligence Operation Section (IOS) […]