• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Manang-mana sa husay ng ama na si Richard: JULIANA, muling nakasungkit ng gold medal sa ‘West Java Fencing Challenge 2022’

HINDI mamumunga ng bayabas ang santol, kaya hindi katakataka kung si Juliana Gomez ay mahusay sa sports na fencing dahil ang ama niyang aktor at Leyte 4th District Congressman na si Richard Gomez (na kilala rin sa bansag na Goma) ay gumawa ng sarili nitong pangalan sa kaparehong sports event noong kabataan niya.

 

 

Nauna na nitong nakaraang Nobyembre lamang ay nakasungkit si Juliana ng gold medal sa kanyang pinakaunang international competition sa Air Force Open Fencing Championship sa Bangkok, Thailand.

 

 

At nito lamang Disyembre 19, sa pamamagitan ng pagpo-post ng litrato niya sa kanyang Instagram account ay inanunsiyo ni Juliana na siya ay muling nagwagi sa isang international fencing competition, this time sa katatapos lamang na West Java Fencing Challenge 2022 sa Bogor, Indonesia.

 

 

Ang caption ni Juliana sa litrato sa kanyang IG Stories ay, “Last competition of the year! Now it’s time to head back home. Thank you Indonesia.”

 

 

Siyempre naman, pinaka-proud sa bagong achievement ni Juliana ay mismong si Goma na nag-post rin ng photo ni Juliana sa kanyang IG account na may caption naman na, “Congratulations @gomezjuliana for winning the Gold in the West Java Fencing Challenge 2022 in Bogot, Indonesia.

 

 

“You make our country proud! Congratulations to Coach Benny Garcia as well!”

 

 

***

 

 

PATULOY na umaariba ang mga Filipino artists abroad.

 

 

Pinansin at pinuri ang husay ni Dolly de Leon at naging unang artistang Pinoy na nominado sa Golden Globe Awards sa Amerika at nagwagi pang Best Supporting Actress sa Los Angeles Film Critics Award para sa pelikulang ‘Triangle of Sadness’.

 

 

Ngayon naman, for the very first time ay isang pelikulang gawang- Pinoy ang mapapanood sa Amazon Original Movie (Prime Video) at ito ay ang ‘Sampung Mga Kerida’ (Ten Little Mistresses).

 

 

Tampok sa pelikula ang ilan sa mga bigatin nating artista tulad nina Eugene Domingo, John Arcilla, Christian Bables, Arci Muñoz, Carmi Martin, Agot Isidro at Pokwang.

 

 

Mapapanood ang ‘Sampung Mga Kerida’ sa Pilipinas sa February 15, 2023. Bukod dito ay mapapanood rin ito sa halos 240 bansa sa buong mundo.

 

 

Sa direksyon ni Jun Lana, ang naturang pelikula ay isang murder-mystery comedy film sa ilalim ng The IdeaFirst Company.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Harden, tumanggi sa multi-million dollar extension deal ng Rockets; nais nang lumipat sa Nets?

    Usap-usapan ngayon sa mundo ng basketball ang mistulang pahiwatig ni NBA superstar James Harden na ayaw na nitong maglaro sa Houston Rockets sa susunod na season.   Ayon sa mga impormante, tinanggihan kasi ni Harden ang dalawang taong contract extension na alok ng Rockets, na umano’y nagkakahalaga ng $103 million o katumbas ng halos P5-bilyon. […]

  • Yulo humirit ng ginto sa World Cup

    NAGPARAMDAM ng kahandaan si world champion Carlos Yulo matapos sumungkit ng gintong medalya sa FIG Artistics Gymnastics World Cup sa Doha, Qatar.   Isang solidong performance ang inilatag ni Yulo para masiguro ang ginto sa men’s parallel bars.   Nakalikom si Yulo ng impresibong 15.200 puntos upang angkinin ang unang puwesto.’     Pinataob ni […]

  • Pinas, nagawang kontakin ang ilang Pinoy sa Gaza; access sa tubig, mahirap

    MATAPOS maranasan na maputol ang komunikasyon, nagawa na ng gobyerno ng Pilipinas na kontakin ang ilang filipino sa  Gaza na nagpaabot ng kanilang kalagayan lalo na ang puntong nahihirapan silang magkaroon ng access sa tubig.  “We were able to get in touch with the Filipinos starting at 4 a.m. yesterday (Sunday). We were able to […]