Mandatory quarantine period, maaaring bawasan at gawing 10 araw ang 14 araw kung walang sintomas ng COVID-19 ang OFW
- Published on April 23, 2021
- by @peoplesbalita
MAAARING bawasan sa 10 araw ang mandatory quarantine period mula sa 14 araw kung walang sintomas ng COVID-19 ang OFW.
“So ito po ‘yung proposed changes as we have already mentioned. We can shorten the duration of quarantine from 14 days. If there are no symptoms to the end of 10 days,” ayon kay Dr. Edsel Salvana, isang health experts mula sa Technical Advisory Group (TAG) sa Talk To The People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Miyerkules.
“Basta walang symptoms, we can do it 10 days,” paglilinaw ni Salvana.
Sinusugan naman ito ni Dr. Marissa Alejandria na batay sa datos mula sa CBC, maaaring bawasan ang quarantine period sa 10 araw.
“So ‘yun ‘yung parang compromise. It’s a good compromise in the sense that we reduce the duration of the period of quarantine with minimal effect on the number of infections that we may miss out,” saad niya.
Sinabi naman ni Salvana, dapat na isagawa ang COVID-19 test sa ikapitong araw sa pag-uwi ng mga “asymptomatic” OFW.
Batay aniya sa datos ng Department of Health (DOH), may mga OFW na negatibo sa test nang umuwi pero nagiging positibo sa virus sa ikapitong araw nila sa quarantine facility.
“Ideally pa rin facility-based quarantine but we recognize that this is very expensive. For LGU home-quarantine as long as it can be assured dapat daily ho and strict compliance at home and dapat set up po talaga yung house,” ang pahayag nito.
Tinuran naman ni Alejandria, dapat ma-test ang mga OFW na kakikitaan ng sintomas ng sakit sa loob ng 10 raw.
“So the system should be in place to be able to isolate once they get symptoms and they get tested and then that’s the policy that we can adapt,” ani Alejandria.
Ang naturang mga rekomendasyon ay pag-aaralan bago opisyal na maglalabas ng pasya kung magkakaroon ng bagong patakaran sa quarantine protocols sa mga uuwing OFW.
Samantala, hindi naman handa si Pangulong Duterte na mag-kompromiso sa usaping ito.
Nais pa rin kasi ng Pangulo na magpatuloy ang mahigpit na patakaran sa quarantine at testing protocols sa mga umuuwing Filipino workers (OFWs) para matiyak ang kaligtasan sa COVID-19 ng kanilang mga pamilya at kababayan kapag umuwi sila sa kani-kanilang lalawigan.
“I cannot compromise. I am not ready for a compromise lalo na ngayon, ‘yung ibang siguro, yung rabies, rabies dyan pero ito talagang, as you have said, dapo rito, dapo roon, then you have the exponential problem now of how to take care of the Philippines,” giit ng Chief Executive.
Ang pahayag na ito ng Pangulo ay tugon sa naging kahilingan ni Labor Secretary Silvestre Bello na bawasan ang araw ng quarantine at pag-aralan din kung kailan dapat kunan ng COVID-19 test ang mga umuuwing OFWs.
Ani Bello, nakiusap kasi sa kanya ang mga OFW na natatagalan sa 14 na araw na quarantine at tagal ng resulta ng COVID-19 test para makapiling na nila ang pamilya.
Tiniyak ni Bello na susundin pa rin nila kung ano man ang magiging rekomendasyon at kapasyahan ng mga eksperto tungkol sa naturang usapin.
“Talagang hirap na hirap sila. They are crying . . . We cannot close our eyes to the miseries of our OFWs,” ayon kay Bello.
Dagdag ng kalihim, bumaba na sa 1.5% ang testing positivity rate ng mga umuuwing OFW ngayong 2021, kumpara sa 2.07% noong nakaraang taon.
“Kaya nga po kami nakikiusap sana na kung maaari we go back to the regional protocol noon na pagdating nung ating mga OFWs swab agad sila and then they are quarantined for five days while waiting for the result,” mungkahi nito. (Daris Jose)
-
SHARON, at home sa West Coast, kung pwede doon na siya titira; nakapagbakuna na sa US
MARAMING fans and friends ni Megastar Sharon Cuneta ang natuwa sa Instagram post niya, a few days pa lamang na dumating siya sa Los Angeles, California, pero nakapagpa-bakuna na siya ng Moderna vaccine last May 17. Say ni Mega, “Vaccinated! Got my first dose of Moderna Vaccine! Thank you so much Nurse Trixia!” […]
-
Mga bansa sa buong mundo nagpataw ng global sanction sa Russia dahil sa pagsalakay nito sa Ukraine
NAGPAPATAW ngayon ng bagong mga parusa ang iba’t-ibang bansa sa buong mundo laban sa Russia dahil sa pagsalakay nito sa Ukraine. Ang European Union, Japan, Australia, New Zealand, at Taiwan ay pare-parehong pinatawan ng bagong injunction ang Moscow, Russia bilang pagkondena sa naging paglusob ng militar nito. Sinabi ni European Commission […]
-
PDU30 tinanggap na ang pagbibitiw ni Morales
Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw ni Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) president at CEO Ricardo Morales, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III. “Tinanggap po natin at ni Pangulo ang kanyang pagbibitiw sa pwesto dahil po sa kanyang kalusugan. Alam po ng lahat na siya po ay may cancer, ito pong […]