Mangrobang balik karera
- Published on January 23, 2021
- by @peoplesbalita
INAASIKASO ngayon ni Triathlon Association of the Philippines (TRAP) president Tomas Carrasco Jr. ang mga badyet at papeles para sa Portugal training camp ni three-time Southeast Asian Games women’s triathlon gold medalist Marion Kim Mangrobang.
Puntirya ng samahan na makahabol pa sa world qualifying races ang 29 na taon at taga-Laguna na triathlete kasama ang isa pang male athlete sa takbong muli ng mga karera umpisa sa Marso 15 sa hangad na makapasok sa world’s top 75 para makapag-32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong sa Hulyo 2021 sanhi ng pandemya.
Sakaling sumblay sa World Triathlon top 75 rankings, tanging pag-asa ng ‘Pinas na makapagpadala pa rin ng triathlete sa quadrennial sportsfest ang via wildcard entry. Nasa 137th sa WT sa ngayon si Mangrobang.
Bumalik ng Portugal nitong Enero 11 ang dalaga para sa patuloy nap ag-eensayo at paghahanda sa mga karera sa Europe at ilan pang lugar. (REC)
-
Karagdagang pondo ng gobyerno, hinihintay na lamang para masimulan ang proyekto ng LRT2 West Extension
NAGHIHINTAY na lamang ng karagdagang pondo mula sa pambansang pamahalaan ang Light Rail Transit Authority (LRTA) upang tuluyang maituloy ang Light Rail Transit Line 2 (LRT 2) West Extension project nito. Ayon kay Light Rail Transit Authority Administrator Hernando Cabrera kumpleto na umano ang documentation at tapos na ang lahat ng plano pati […]
-
Nasa 600-K DepEd personnel, magsisilbi sa Halalan 2022
NASA 600,000 na mga tauhan ng Department of Education (DepEd) ang nakatakdang magsilbi para sa nalalapit na Halalan 2022. Ayon kay DepEd Director Marcelo Bragado Jr., mas mataas ito kumpara sa bilang ng mga DepEd personnel na nagserbisyo noong nakaraang eleksyon noong taong 2019. Paliwanag niya, ito ay sa kadahilanang nadagdag […]
-
Ads March 29, 2025