• December 5, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Manila Cathedral opisyal nang binuksan ang ‘500-yrs of Christianity celebration’

Dumalo ang ilang mayors sa Metro Manila na nasa ilalim ng Archdioces of Manila sa pormal na paglulunsad ng Manila Cathedral sa 500 years of Christianity in the Philippines.

 

 

Kabilang sa mga ito ay sina Manila Mayor Isko Moreno, Vice Mayor Honey Lacuna, Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano, Makati City Mayor Abby Binay, at ilan pang kinatawan ng local government units.

 

 

Sa kuwento ni Bishop Broderick Pabillo, apostolic administrator of Manila, nararapat lamang daw na simulan ang pagbubukas ng selebrasyon ng 500 years of Christianity sa Manila Cathedral dahil ito ang unang arkidiyoses sa buong Pilipinas na idineklara noong taong 1579.

 

 

Sinabi pa ng kanyang kabunyian, maipagmamalaki na lahat ng archdiocese sa buong Pilipinas ay nagsimula sa Maynila.

 

 

“This is a source of pride for us but also a big challege. So, it is also appropriate that here in our archdiocese that we open our 500 anniversary of the coming of Christianity in the Philippines on this day. However, we will also join the national opening activities on Easter Sunday. On April 4, with the opening of the holy doors all over the country.
That will be the official opening for the whole country of the 500 year anniversary,” ani Bishop Pabillo.

 

 

Kabilang naman sa highlight ng okasyon ay ang pagbendisyon at pagbibigay ni Pabillo sa mga opisyal ng sagisag ng 500 Years Mission Cross na siyang simbolo at paalala sa pagiging Kristiyano.

 

 

Niregaluhan din ng mission cross ang mga kinatawan ng iba’t ibang kumunidad at napiling magiging pilgrimage churches ng archdiocese.

 

 

Kabilang sa unang napili sa Metro Manila at madadagdagan pa sa mga probinsiya na mga pilgrimage churches ay ang Manila Cathedral (Manila), Minor Basilica of the Black Nazarene, Quiapo Church (Manila), Shrine of Nuestra Señora de Guia (Manila), Shrine of Sto. Niño de Tondo (Manila), San Pablo Apostol Parish (Manila), Santa Clara de Montefalco Parish (Pasay), National Shrine of Our Lady of Guadalupe (Makati), Sts. Peter and Paul Parish (Makati), San Felipe Neri Parish (Mandaluyong) at St. John the Baptist Parish sa San Juan City.

 

 

Samantala, nagsalita rin ang kinatawan ni Pope Francis na si Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown upang ipaabot ang pakikibahagi ng Vatican sa malaking selebrasyon.

 

 

Ang 500 years ay isa umanong milestone dahil kasabay din ngayong taon ng 442nd anniversary sa pagkakatatag ng arkdiyoses ng Maynila bilang unang diocese sa buong bansa.

 

 

Sa kanyang mensahe nagbalik tanaw si Archbishop Brown na noon pa mang taong 2015 sa pagbisita sa Pilipinas ni Pope Francis ay binanggit na niya ang gagawing selebrasyon ngayong taong 2021 na sana ay maging mabunga at magbigay pa ng inspirasyon.

Other News
  • Psalm 56:4

    In God I trust without a fear.

  • Panukala na magpapalawak sa potensyal ng gastronomiya sa Pilipinas, inihain

    BILANG paggigiit sa pangangailangan na ganap na mapalawak ang buong potensyal ng bansa sa gastronomiya, hinimok ng isang mambabatas ang paglikha ng isang ahensiya na magiging responsable sa pagbalangkas at pagpapatupad ng mga polisiya, at pagsasagawa ng mga programa at oportunidad para sa gastronomiya at sektor ng culinary heritage.     Iniakda ni Pangasinan Rep. […]

  • Gilas Pilipinas mamanduhan ni Uichico

    Pinangalanan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) si veteran mentor Jong Uichico upang maging head coach ng Gilas Pilipinas para sa FIBA Asia Cup Qualifiers na lalarga sa Nobyembre 27 hanggang 30 sa Manama, Bahrain.   Inihayag kahapon ni SBP president Al Panlilio ang anunsiyo kung saan makakasama ni Uichico sa c­oaching staff sina assistant […]