• September 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MANILA CENTRAL POST OFFICE, NASUNOG

UMABOT sa P300 milyon ang halaga nang nilamon ng ng apoy sa makasaysayang gusali ng Manila Central Post Office  sa Liwasang Bonifacio, Magallanes Drive, Ermita, Maynila, Lunes ng umaga.

 

 

Ayon sa Bureau of Fire Protection-National Capital Region, na nagsimula ang sunog dakong alas-11:00 kamakalawa ng gabi  sa General Services Section sa basement at tuluyang nilamon ang apat na palapag ng gusali.

 

 

Ayon sa BFP, pito  sa kanilang mga bumbero at volunteer ang sugatan habang inaapula ang mala-impyernong sunog.

 

 

Kinumpirma naman ni BFP-NCR Chief Supt.Nahum Tarroza, na 100% na nilamon ng apoy ang gusali na  isang heritage building.

 

 

Sinabi ni Tarroza na nahirapan ang mga bumbero na ang gusali dahil nagsimula ang sunog sa basement na masyadong delikado.

 

 

Bukod dito, nauubusan din ng tubig ang tangke ng mga fire trucks kaya ang iba ay kumuha pa ng tubig sa Pasig River at maging ang tubig sa fountain ng Liwasang Bonifacio ay ginamit na rin ng mga bumbero.

 

 

Aniya, mabilis na lumaki ang sunog dahil sa mga papel sa loob ng post office bukod pa sa gawa sa kahoy ang sahig ng ikatlong palapag ng gusali.

 

 

Sa ngayon lahat aniya ng anggulo o maaaring sanhi ng sunog ay kanilang tinitignan tulad ng electrical, sinadya o aksidente.

 

 

Hindi pa rin ito tuluyang idineklarang fire out dahil may usok pang lumalabas sa gusali. (GENE ADSUARA)

Other News
  • DILG gusto mailagay buong Pilipinas sa Alert Level 1

    IMINUMUNGKAHI  ngayon ng Department of the Interior and Local Goverment (DILG) na ilagay sa pinakamaluwag na COVID-19 restrictions ang Pilipinas para lalong makabawi ang ekonomiya sa epekto ng lagpas dalawang taong pandemya.     Marso 2020 pa nang magsimulang magpatupad ng mga restrictions ang gobyerno sa pamamagitan ng iba’t ibang lockdowns at limitasyon sa mga […]

  • Marcial target isabak sa Agosto

    SA AGOSTO ang posibleng ikatlong professional fight ni Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Felix Marcial.     Ito ang inihayag ng Pinoy pug ilang araw matapos masungkit ang kanyang ikaapat na sunod na gintong medalya sa Southeast Asian Games na ginanap kamakailan sa Hanoi, Vietnam.     Ayon kay Marcial, wala pang eksaktong petsa ng […]

  • KILOS PROTESTA, GINAWA SA HARAPAN NG COMELEC

    NAGSAGAWA  ng kilos-protesta ang iba’t ibang grupo sa tapat ng Palacio Del Gobernador o tanggapan ng Commission on Elections (Comelec)  sa Intramuros, Maynila.     Sa pinakahuling update ng Manila Police District (MPD) nagsimula ang rally alas 9 ng umaga ngunit natapos din alas 10:33 .     Kabilang sa mga nagprotesta ang grupo ng […]